<link rel="me" href="https://www.blogger.com/profile/10134648620459692765" /> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head> <body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d8805407178285977296\x26blogName\x3dLIVE.LOVE.LAUGH\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://isangad1kgurl.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://isangad1kgurl.blogspot.com/\x26vt\x3d8003630124438292174', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Monday, March 15, 2010

Almost over you


Ilang buwan na rin nakakaraan simula nung nagkagusto ako sayo hanggang umabot pa sa ibat ibang level ang nararamdaman ko para sayo. Pero sadyang ganun nga lang talaga, kung sino yung mahal mo, di ka naman mahal o gusto. Wala na talaga siguro akong magagawa kung di kita kayang pilitin na mahalin ako, baka sabihin mo pa na despereda na ako sa pagmamahal mo. Na-realize ko na, hindi pupwedeng ipagpilitan ang hindi talaga pwede kasi lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko, ako lang din ang gumagawa ng issue at gulo sa utak ko. Siguro nga, mas makakabuti na maging magkaibigan na lang tayo, nakikita ko pang mas tatagal tayo at mas sasaya sa hinaharap. Kapag binitawan ko na ang nararamdaman ko sayo, mas magiging malaya na ako, mas magiging ok at mas magiging masaya. Iniisip ko kasi di ka naman talaga lalayo sa akin, at laging special ako sayo, mas mabuti na yung ganun. Alam kong lagi kong sinasabi na, "Last na to, ayoko na talaga!" pero sasabihin ko ulit dito sa datkom, LAST NA TO, WALA NANG NEXT TIME! Nagawa ko naman to sa iba eh, alam kong magagawa ko din to ulit sayo. Masyado ka lang sigurong special para sa akin kaya hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako bumibitaw. Sa mga oras at araw kasi na magkalapit tayo, binibigyan mo ako ng rason para mas lalo kang magustuhan at mahalin. Masyado kang kakaiba sa lahat ng tao, st yun ang nakikita kong rason para mahalin ka. Ngayon na muli akong bibitaw, at bibitaw na for good, sana magiging masaya ako at sana makahanap ka rin ng makakapagpasaya sayo kahit hindi man ako. :)



Truly yours,
Adikgurl ♥

1 na-adik

posted @ 10:40 PM


Friday, March 12, 2010

Badtrip!



Badtrip na ako halos 2 araw na dahil sa pamilya ko. Masyado na kasi akong nasasaktan sa mga sinasabi nila. Parang hindi ko sila pamilya sa mga pinagsasabi nila. Simula pa lang nung lumipat kami ng Canada, hindi ko na feel ang bad vibe na dating ng hangin sa loob ng bahay. Ang itim itim at ang sama sama ng hangin. Sa tuwing nalalanghap ko ito, sakit sa utak at puso naman ang natatamo ko. Para akong sinasakal ng sampong tao sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko, hindi ko na alam kong saan ako magsisimulang maghanap ng solusyon para sa mga problema ko. Aaminin ko hindi naman talaga ako perpektong tao, nagkakasala din naman ako, pero hindi ba, may mga katangian din na binigay ang Diyos sa atin na magpatawad sa kapwa dahil masama ang nagtatanim ng galit sa iba. Bakit hindi nila yun gawin para sa akin, handa naman akong kalimutan ang nakaraan para lang magsimula ng bagong buhay. Madali naman ako kausap, magpapatawad ako ng tao kung kinakailangan, hindi ako pinalaki ng lolo't lola ko ng panget kaya alam ko kung ano ang tama sa mali. Namimiss ko na ang buhay ko dati na simple, payapa at masaya. Ngayon parang lahat ng iyon napalitan na ng lungkot at galit. Ayokong maging isang halimaw sa harap ng ibang tao. Tanging ang kapatid ko at mga kaibigan ko ang nagpapasaya sa akin sa mga oras na malungkot ako at napapaiyak. Gusto ko nang tumakas sa buhay na to, magulo, hindi masaya at may nakaharang. Sana na lang talaga makahanap na ako ng lugar na pwede kong lipatan para magsimula na ng bagong buhay. Isa lang pangako ko sa sarili ko, ang magbago at magsimula ng bagong buhay na masaya ako at payapa. Sino ba naman may gustong mabuhay sa mundong puno ng sama ng loob diba? Salamat kay Bro kasi lagi lang siyang nandyan para gabayan ako at makinig sa lahat ng hinaing ko sa buhay. Salamat Bro :)






Truly yours,

Adikgurl ♥


0 na-adik

posted @ 1:51 PM


Sunday, March 7, 2010

Romeo.



Habang nag-checheck ako ng mga posts sa tumblr, nadaanan ko ang isang post, at yan nga ay yong picture sa itaas. Noong nakaraang dalawang araw kasi, mejo emo ako, ewan ko ba kung bakit... hhmm siguro dahil ako'y isang SINGLE! Tama, ako ay single. Ewan ko ba, hindi naman ako nagpapa-apekto sa mga may syota at nagmamahalan sa paligid ko, pero kamakailan lang ganun ang naramdaman ko. Nakakabadtrip, nakakainis, nakaka... kailangan ko na ng boipren. Ayoko pa. Hindi pa nga talaga ako ready. Panghahawakan ko na lang ang mga nakasulat sa typography na yan, kasi totoo naman. Maghahanapan na lang kami nung isang taong yun, kung nasan man siya sa mundo. Pagka-tapos na kaming umikot ng 360 degrees sa buong mundo, magiging masaya na kami dalawa. Hindi na rin ako ma-oOP sa mga usapan ng mga tao tungkol sa mga syota nila, may pang chorba na rin ako, may ipagmamalaki na ako. :)

*Romeo, where are you?*



Truly Yours,

adikgurl♥
0 na-adik

posted @ 7:30 PM


Friday, March 5, 2010

iPod touch


Hey! Guess what??? Nagpopost ako ng entry sa blog ko gamit ang ipod touch ng kapatid ko. Maraming salamat sa application ng apple, nakaka-update na ako ng blog ko kahit anong oras. Akalain mo, isa sa napakaraming apps ng ipod touch at iphone ay ang blogger.com? Ang saya saya ko ngayon! Hindi ko talaga akalain! Weeeewoooweeeewooo!! Orayt baka di na ako maka-alis alis dito , masyado lang talaga akong na-AMAZEEE! i fckin lovvee technology!! \m/



Ayt, paycee!! ♥


Truly yours,
Adikgirl ♥

0 na-adik

posted @ 7:18 PM


Saturday, February 27, 2010

Waaa..!!


Ang tagal ko ng hindi nakakapost dito sa blog ko, pasensya naman, mejo tinatamad na kasi akong magbukas eh. Marami akong gustong i-post pero masyado na akong tinatamad talaga. :(
Siguro pag nakalabas na ulit ako sa outside world, magpopost ako ng marami. :)


Hanggang sa muli.. :)


truly yours,

adikgirl ♥
0 na-adik

posted @ 6:19 PM


If I could I would...


Minsan ba sa buhay niyo hiniling niyo na sana naging bata na lang kayo ulit para hindi niyo mararamdaman yung sakit, hirap at lungkot kapag nagkakaproblema kayo? O di kaya minsan, hiniling niyo rin ba na maging manhid na lang pero kahit anong gawin mo di mo magawa? Kasi ako nahiling ko na yan maraming beses na. Kung sana lang talaga natupad lahat ng hiling ko na to hindi ko mararamdaman lahat ng sakit na nasa puso ko ngayon. Hindi sana sasakit ulo ko sa kakaisip ng solusyon sa mga problemang to. Pero eto nga talaga ang katotohanan, at kailangan kong tanggapin na hinding hindi mangyayari yun (bumalik sa nakaraan). Buhay nga naman, halo-halo ang tuwa, sakit at luha. Kaya nga "If I could I would.." kasi nahihirapan na ako na lagi na lang ganito nangyayari sa akin, puro sakit at paghihirap. Pero pano kaya pag natupad lahat ng mga hiling ko, sasaya kaya ako? Malamang 50% lang kasi hindi ko ma-eexplore masyado ang mundo kung magiging bata lang ako habang buhay. Ang galing talaga ni Bro magplano ng buhay para sa mga tao niya, sobrang galing, balanse talaga sa lahat. AMEN. :))
0 na-adik

posted @ 6:17 PM


Monday, February 1, 2010

spot the difference



Eto ang pictures ng different angles ng kwarto ko at ng kapatid ko. Alam ko parehas kaming babae, pero minsan din, di rin namin mapigilang di maglinis ng kwarto paminsan minsan. Kaya ayan ang ebidensya, bago nangyayari ang general cleaning namin dito sa bahay, ganyan ang itsura ng kwarto - magulo, makalat, maalikabok, atbp. Pero syempre naman, hindi namin matiis, lalo na ako na makita ang kwarto naming puno ng kalat, mga gamit kung saan-saan nakasabit, hindi magandang tignan. Kaya ayan, after ng general cleaning, jaraaan! ayos na ayos ang kwarto namin! Take note, ako naglinis niyan! ;)

Isasahin ko ang pagdescribe ko dito sa kwarto namin, unahin ko ang BEFORE:

Kaliwa-Kanan ang direction mga tol, k?

1. Kama ko -- masyadong magulo, di ako nagliligpit ng higaan sa umaga, kasi naniniwala ako na magugulo lang yan pag natulog ulit ako sa gabi. Namaaaan ang tamad ko talaga. Pero pag nasa mood akong magligpit, ginagawa ko naman. *evil grin*

2.Study table ko at divider -- share kami sa lahat ng bagay ng kapatid ko kaya marami kaming gamit sa kwarto. Sa sobrang dami, di ko na alam kung saan ko ilalagay mga iyon.

3. Computer table at kapatid ko --yan ang aming computer table, jan ang tambayan namin ng kapatid ko. Interneett! xD P.S. kapatid ko yan nakatalikod, nagfefezbook! ;)

4. Closet -- yan ang big-ass closet namin, daming coats, jackets, bags, at halos lahat ng damit namin nandyan.   Naka-divide ang damit namin para maayos naman. Hirap talaga maging babae, daming damit!

5. Sister's bed -- queen size ang bed niya, mas malaki kesa sa akin. ampfs. Madalas nagliligpit ng higaan ang kapatid ko kasi siya yung laging wala sa bahay. Saka madali lang ayusin ang kumot niya, di masyadong mabigat, unlike mine. :(

6. Lalagyan ng lahat ng pampaganda -- jan lahat nakalagay mga accessories, pabango, at ibang damit namin ng kapatid ko. Yan yung part ng kwarto namin na sobrang gulo talaga, lagi namin ginagamit eh. :D


Dito naman tayo sa AFTER side:

Numbers 1-6: oh diba, bongga! galing ko talagang mag general cleaning! Ayos ang kama ko, walang alikabok, di na magulo ang mga gamit, ayos na ang mga damit at sapatos. All back to normal. Parang binagyo lang ni Ondoy tas nabigyan ng relief goods at supply para pang-repair ang kwarto namin. Kahit tatamad-tamad ako minsan, aba, marunong din ako sa mga gawaing bahay, kung trabaho, trabaho lang talaga. Di ako nakukuntento sa mga ginagawa ko hangga't hindi ko natatapos mga iyon. Sige, go, spot the difference, spot the alikabok, wala kayong makikita jan! Hahah

I hope you enjoyed the tour! :)

truly yours,

adikgurl ♥
0 na-adik

posted @ 5:03 PM


welcome

Welcome to adikgurl's blog.
MESSAGE: "LOVE.LOVE.LOVE ♥"
started blogging on the August 2009.

Call Me Ms.Joist

Photobucket I'm adikgurl - my codename for this blog. I'm 18; widowed and have a fantabulous life. I can say that I'm trying to be invincible as I can be to hide all the heartaches in me. Don't judge or you'll be damned! :p
i'm (ad1kgurl)

tagboard



links

PinayPraning
CHKSLG
Mrs. Sairupsa-Navero
Acetylsalicylate
Josan
Korek ka John
Zendel Sayson

credits

skin by: danny
images: JasminGreenTea
pattern: heroine

Music is Love♥





IT's EFFIN' GNARLY! ♥

archives

  • August 2009
  • September 2009
  • October 2009
  • November 2009
  • December 2009
  • January 2010
  • February 2010
  • March 2010