<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head> <body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d8805407178285977296\x26blogName\x3dLIVE.LOVE.LAUGH\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://isangad1kgurl.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://isangad1kgurl.blogspot.com/\x26vt\x3d8003630124438292174', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, December 27, 2009

Recalling 2009



Ngayon, gagawa na ako ng aking new year's resolution para sa taong 2010. Sana matupad ko lahat ng to para mas masaya pa ang buhay ko, ayoko na ng masaklap na buhay kagaya na lang ng 2009 ko, konti lang ang happy moments ko.

Sa aking pagbabalik mamaya, naka-point form na ang aking New Year's Resolution for 2010. Sige, be right back lang ..

*wow! ginawang tumblr ang blogspot! Ha Ha Ha!*


Truly yours,

adikgurl ♥
0 na-adik

posted @ 11:51 AM


M . O. M ako!


Love2 Pictures, Images and Photos

Nitong mga nagdaang buwan, may mga kaibigan ako na lumalapit sa akin para manghingi ng payo tungkol sa buhay pag-ibig nila. Ang saya kasi inlove sila, ang saya kasi ang haba ng buhok nila, ang saya kasi masaya ang buhay nila. Pero sa kabila ng kasiyahan na nararamdaman nila, nababalot sila ng lungkot at pangamba dahil marami silang mga tanong sa sarili na mismo sila hindi nila masagot.

Kaya naman to the rescue ang inyong lingkod! Hindi naman ako tumatanggi sa mga kaibigan kong to pag humihingi sila ng payo sa akin dahil mabuti naman sila at dapat talaga may gumabay sakanila kahit sa simpleng paraan lang ng pagpapayo. Minsan hindi ko maitatanggi sa sarili ko na naaawa na ako kasi alam kong nahihirapan sila paminsan minsan sa mga sitwasyon na sobra silang napepressure. Sino ba naman ang gustong ma-pressure pagdating sa love? Dapat nga diba masaya ang lovelife kasi yun lang ang time na mararamdaman mo pa lang buhay ka at tumitibok pa pala ang puso mo. Pero bakit ganun? Nahihirapan padin sila sa kabila ng kasiyahang dulot ng pagmamahal? Mismo ako tinatanong ko din yan sa sarili ko, at bilib me, hindi ko rin yan masagot.

Iniisip ko din, hanggang saan kaya tong ginagawa nila? Hanggang kelan kaya sila maghihintay sa sagot niya? May isa kaya sakanila na tatagal o silang dalawa ang mawawala? Oo, Sila, dahil dalawa silang lalaki at ang bonggang long hair na babae ang pinag-aagawan nila ng bonggang bongga. Diba sobrang nakakainggit? Pero take note, mahirap din ang sitwasyon ng girl! Kailangan niyang pumili sa lalong madaling panahon dahil dalawa ang papa niya at hindi dapat dalawa kundi isa lang ang para sa kanya at yung isa naman ay sa akin na. Ha ha ha echosera ako! Pero seryoso na to, ang hirap talaga nuh? Lalo na pag parehas kanang napamahal sa dalawa at todo bigay pa!


Ang masasabi ko lang, face the reality, may masasaktan at may isang tao na hindi magiging sakanya. Kung hindi siya pipili ngayon, kelan pa? Sana hindi umabot sa puntong wala siyang mapili dahil ayaw niyang may isang masasaktan, kasi pag nagkaganun, wala siyang fafa at pag walang fafa lonely ang buhay mo girl! Wish ko lang sa friend ko na to, sana kahit sobrang mahirap ang challenge mo ngayon, hindi ka nag-iisa, andyan si Bro, family mo, ako, at syempre mga friends mo, todo suporta sa lovelife mo --hmm, family? konti lang siguro. ha ha ha.. eto na naman ako. Kaya mo yan kapatid, kahit Heart Over Mind ka ngayon, suporta parin ako sayo kahit opposite way ako, kasi pessemist ako eh. ha ha ha.. Ay sha, go make up your HEART na hindi mind. Ha ha ha..

Sa mga inlabs jan, go lang ng go, patagalan kayo..
Sa mga single, heeyy! kaway kaway! Haha
sa mga married, best wishes..
at sa mga komplikadong relasyon, well, hold on and stay strong. :)


Truly yours,

adikgurl ♥
0 na-adik

posted @ 11:44 AM


Saturday, December 26, 2009

My Eyes! :/


Bakit ganun? Dati rati nagcocomputer ako ng halos walong oras pero di man lang sumasakit mata ko? Pero waaa... !! bakit ngayon sumasakit na siya ng walang dahilan? O.O Di pa nga ako nakaka walong oras masakit na sya? Epekto talaga ng computer, di man lang nagwarning. Ay sha, pagkatapos kong magback-up ng files, magpapahinga na ako pramis.

--Hays kamusta na kaya ako? Wahah..
--Eh sya, kamusta na? (Owvherr!)

O cge na, next update na lang. Badtrip ako sa mata ko. Gaaah! :'(


Sad Pictures, Images and Photos



0 na-adik

posted @ 7:53 PM


Watta Christmas! (2009)



Una sa lahat, gusto ko kayong bati-in ulit ng Maligayang Pasko! Kamusta pasko natin ? Naku sana sobrang saya ng pasko niyo at sana magkakasama sama din kayo ng mga mahal niyo sa buhay. :)

Kamusta nga ba ang pasko ko? Ayun, sobraaang saayaa lang naman! *grin* Sobrang saya ng pasko ko ngayong taon na to kahit medyo malungkot ng konti dahil sobrang layo ko sa isang pamilya ko pa na nasa Pilipinas. Di bale, alam ko namang masaya sila dun na nagcecelebrate kahit di kumpleto ang pamilya at tumawag naman sila dito. Masaya na akong marinig yung mga boses nila na masaya din, lalo na yung kwento nila sa mga nangyari sa araw ng pasko -mga namamasko na mga bata, simbang gabi, at siyempre kainan time!

Noong alas dose sakto ng hating gabi, Dec. 25, 2009 dito sa Canada, nagsimula na ang araw ng pasko. Kasabay ko sa pagdiriwang ng pasko ang nakababata kong kapatid na babae, mga magulang ko at dalawa kong aunties na family friend namin. Kahit konti lang kaming magkasama dito sa bahay namin, masaya padin ang pasko lalo na nung nagbubukas na kami ng mga regalo namin at yung kumain kami sabay-sabay sa Noche Buena.

Habang nagbubukas kami ng regalo, ayun di mawawala ang picture2x, tawanan at pasasalamat sa taong nagbigay ng regalo. Masasabi kong lahat ng natanggap ko ay isa sa mga hiling ko na regalo para sa pasko. Hindi ko inaasahan na bibigyan ako ng ganun kagandang regalo galing sa magulang ko, sa kapatid at sa dalawa kong aunties. Nakatanggap ako ng mga damit (di talaga nawawala yan), make-up (dahil babae po ako, haha), head bands, external hard drive na 1 tera-bite (uu, ganun kalaki ang memory niya dahil adik ako sa comp), oil painting kit (dahil mahilig akong gumuhit at magpinta), necklaces at hikaw (dahil kikay ako) at syempre pera (dahil pulubi ako ngayong taon na to). Hindi naman siya masyadong marami pero bongga naman ang mga nakuha ko. Kahit hindi "white christmas" ngayong 2009 dahil walang snow (nung birthday ko lang nag snow, amps!) , masaya parin dahil magkasama-sama ang pamilya.

Sana ganito na lang lagi ang pasko, kahit hindi white christmas, kahit walang paputok basta magkasama-sama ang pamilya, isang magandang blessing na yun galing kay Bro at syempre swerte sa bagong taon. Pero gusto ka talagang gawin para sa susunod na pasko, sana sa Pinas na lang idiwang kasi masaya dun, mararamdaman ko talaga ang spirit of christmas dahil lively ang pasko dun at punong-puno ng mga tao. Ang saya-saya, nuh?

Sana kasing saya at kasing makulay ang pasko niyo tulad ng sakin, at sana marami din kayong natanggap na regalo at napasayang mga tao dahil sa regalo niyo. Sana sa bagong taon, mas marami pa tayong matatanggap galing kay Bro, at sa mga adik jan, katulad ko,



pagpatuloy lang ang nasimulan! Haha, joke lang. :)


Merry Christmas once again and Happy New Year! :)


Yours truly,

ad1gurl ♥
0 na-adik

posted @ 7:40 PM


Thursday, December 24, 2009

Merry Christmas!




Warm greetings from your dear blogger, Adikgurl.

Merry Christmas to everybody around the world! Wow! Isang taon na naman ang dumaan at sobrang dami ng nangyari sa buhay ko both good and bad. Ang ganda talaga ng buhay, sobrang makulay, lalo na pag pasko! Tapos na kaming mag-balot ng mga regalo kagabi ng aking inay. Nakikita ko talaga sa mukha niya na masaya siya sa pagbabalot ng mga regalo niya sa amin at sa mga reregalohan pa niya sa 25.

Pangatlong pasko ko na to na wala ako sa Pinas. Malayong malayo kasi ako sa Pinas kaya hindi ako dun nagpapasko. Sobrang inggit nga ako sa kaibigan ko dahil andun siya sa Pinas nagpapakasaya sa buhay, habang ako andito, sa malamig na lugar, hindi ko man lang nararamdaman na pasko na pala in a few hours. Kahit Christmas Eve na dito, parang ordinaryong araw parin para sa akin. Hayss.. ganun nga talaga siguro ang buhay dito sa ibang bansa. Pero ayos lang din dahil magkakasama naman kami ng pamilya ko at may iba pang family friends na sasabay din sa aming salo-salo sa pasko mamaya. Kaya masaya parin! sanaa..

Ay sha! kailangan ko ng maghanda..Excited na akong magbukas ng mga regalo ko mamaya kung may magbigay man. Haha. Iba talaga ang kasiyahang dala ng pasko sa buhay ng tao. :)

Merry Christmas and Happy 2010 Everybody! :)


Adikgurl. ♥
0 na-adik

posted @ 4:32 PM


Saturday, December 19, 2009

So what if?


Nasabi ko na sayo, ayan na.
Pasensya na nabigla pala kita..
Hindi ko na talaga kasi kaya eh.
Alam ko naman na maiintindihan mo ako
pag sinabi mo yun. Siguro nga maiilang ka
ng kaonti sa akin kasi sinabi ko sayo yung
totoo kong nararamdaman.
Sabi mo nga diba, parehas na parehas tayo ng
nararamdaman ngayon, kaya alam kong kaya mong
lusutan tong maliit na problemang to.
Alam ko naman talagang mas gusto mo siya kesa sa akin
diba, pero sinubukan ko parin. I took the risk to tell you everything,
para matapos na tong lahat. Hindi ako nanghihinayang dahil nasabi
ko yun. Maniwala ka, kinabahan talaga ako, pero kailangan mong
malaman para hindi na rin ako mahirapan pa. Ayos lang kung sabihin
ng mga tao na duwag ako dahil hindi kita pinaglaban, ayos lang sa akin,
sabihin niyo lahat ng gusto niyong sabihin, minahal lang naman kita, may masama ba?

Kelan ba naging masamang magmahal? Masakit, oo, pag hindi mo nakuha yung gusto
mo pero lahat ng ito, nangyari dahil may rason, kung ano man yun, malalaman naman natin
sa tamang panahon. Wag ka mag-alala, hindi mo ko makikitang nasasaktan sa harapan mo,
papatunayan ko sayo na invincible ako, kaya kong labanan sariling kong multo.Wala ngang
magbabago sa ating pinagsamahan pero wag ka mag-expect na madali kong matatanggap yun
kahit sinabi kong walang magbabago sa atin. Sana hindi ka maging insensitibo sa nararamdaman ko
lalo na pag magkasama tayong tatlo ng mas mahal mo.

Eto lang tandaan mo, hindi ako lalayo, walang magbabago, patuloy padin kitang magiging kaibigan at kailangan kong tanggapin na hindi ka lang talaga yung para sa akin. Kahit masakit kailangang tanggapin, yun
ang katotohanan kailangang harapin. No hard feelings, kaya ko to, wag mo ko alalahanin. So unhappy, but safe as could be.
0 na-adik

posted @ 5:20 PM


Thursday, December 17, 2009

Eto na...


Belated Happy Kaarawan para sa sarili ko... Hindi na ako nakapag post nung kaarawan ko kasi tinamad ang lola nio. haha. ayun, sobrang saya as in uber uber na kasiyahan ang nadama ko.. Sobrang nag-enjoy lahat ng tao na dumalo, lalo na yung barkada, mga pinsan, lola, lolo, mga bata at iba pang dumalo.. Yun na ata ang pinaka bunggang celebrasyon na nangyari sa buhay ko bago ako ikasal. haha Char! Eto na nga, 18 na ako. Dalaga na talaga aketch! Sa ngayon, inaabsorbs ko pa lahats ng nangyari nung gabing yun. Naghanda ako ng halos isang buwan para lang mapaganda ang celebrasyon ko sa aking kaarawan. Nagpapasalamat ako sa aking magulang kasi todo effort talaga sila para ma surprise ako sa birthday ko. Thank U! Sa mga kaibigan ko din na go lang ng go sa kahit anong trip ko sa buhay, handang sumuporta para sa aking kasiyahan, lalo na sa aking ka-blogmate na si pinaypraning, Pipai! I love you talaga, naging mas bungga ang aking bertday ng dahil sa iyong talent! Palakpakan! Bungga ka dai! xD At sa lahat ng dumalo sa aking kaarawan, sana nag-enjoy kayo ng sobra-sobra.. kita-kita na lang tayo sa susunod.. :)


*The journey of a thousand miles begins with one simple step.. adulthood.*
0 na-adik

posted @ 12:23 PM


Thursday, December 10, 2009

What's happenin?


Ano na nangyayari sa mga sinusundan ko na blog authors? Hindi na ata sila nag aupdate ng kanilang sariling blog dito sa blogoshpere? Ako din minsan ganun pero hindi naman yung isang buwan o mahigit ng hindi nagbubukas ng blogs nila at hindi na rin naglalagay ng entry. Sayang, gustong gusto ko pa naman na magbasa nalang ng magbasa ng blog nila. Tatlong blogs na lang ang nababasa ko kasi sila lang yung laging naga-update eh. Sana bumalik na kayo, alam kong busy kayo pero sana paminsan minsan, bumalik din kayo sa pangalawang tahanan niyo ang blogspot.com. Maraming Salamat. :)


Ad1kgUrL
0 na-adik

posted @ 5:08 PM


Tuesday, December 8, 2009

Buhay buhay


Buhay .. Life.. Buhay.. Life.. balibaliktarin mo man ang sitwasyon buhay parin. Minsan gets mo, minsan hindi. Minsan magulo, minsan masaya, ano ba talaga ang buhay? Siguro halo halo sa lahat ng sinabi ko. Ang sarap din mabuhay eh kasi nararanasan mo ang binigay ng Diyos para sa atin. Siguro masasabi kong life is fair lang kasi paano magiging unfair kung hindi balanse ang nangyayari sa buhay natin diba? Lahat ng pagsubok may kapalit na panalo o kasiyahan. Ang galing talaga ni Bro sa mga bagay tungkol sa buhay. Kaya bilib ako sa kanyang mga nilikha sa mundo. Sobrang nagpapasalamat ako sa mga apostoles ng henerasyon natin ngayon na nagsilbing inspirasyon sa ating lahat lalo na sa mga ka-edad ko lang. Sana makuha niyo rin ang ibig sabihin ng Panginoon sa kanyang mga aral na nasa bibliya. I am for God, always and for eternity. Glory be to God! :)
0 na-adik

posted @ 1:55 PM


welcome

Welcome to adikgurl's blog.
MESSAGE: "LOVE.LOVE.LOVE ♥"
started blogging on the August 2009.

Call Me Ms.Joist

Photobucket I'm adikgurl - my codename for this blog. I'm 18; widowed and have a fantabulous life. I can say that I'm trying to be invincible as I can be to hide all the heartaches in me. Don't judge or you'll be damned! :p
i'm (ad1kgurl)

tagboard



links

PinayPraning
CHKSLG
Mrs. Sairupsa-Navero
Acetylsalicylate
Josan
Korek ka John
Zendel Sayson

credits

skin by: danny
images: JasminGreenTea
pattern: heroine

Music is Love♥





IT's EFFIN' GNARLY! ♥

archives

  • August 2009
  • September 2009
  • October 2009
  • November 2009
  • December 2009
  • January 2010
  • February 2010
  • March 2010