<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head> <body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d8805407178285977296\x26blogName\x3dLIVE.LOVE.LAUGH\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://isangad1kgurl.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://isangad1kgurl.blogspot.com/\x26vt\x3d8003630124438292174', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, October 31, 2009

Trick or Treat!?


HAPPY HALLOWEEN WORLD! 

Ito ang araw na ipinagdiriwang ng buong 
mundo bilang pag-alala sa mga pamilyang 
sumakabilang buhay na. Sa Pilipinas, tinatawag nila itong UNDAS. Pumupunta ang mga tao sa simenteryo para dalawin ang mga puntod ng mga mahal nila sa buhay. Sa ibang bansa naman, katulad ng Canada at Amerika, ipinagdiriwang nila ang Halloween sa pamamagitan ng pagtitrick or treat sa ibang bahay. Nasubukan ko ng mag trick or treat. Masaya ang mag trick or treat lalo na't kasama mo ang mga kaibigan ko. Maraming kendi at chocolates, makukulay at nakakatakot na mga costumes. Halos dalawang tao na akong nagsecelebrate ng halloween dito sa Canada. Hindi ko pinapalampas itong celebrasyon na ito kasi minsan lang din to sa isang taon katulad ng bertday, pasko, at new year. Ngayong tao lang ata ako makakamiss ng trick or treat. Pero ayos lang next year na lang ulit. Walang limitasyon ang halloween, para sa matatanda at bata to. Basta dahan dahan lang sa kain ng matatamis, kung ayaw niyong yumaman ang mga dentist! Hahahah.. Happy Halloweinerr! :D
0 na-adik

posted @ 5:07 PM


Thursday, October 29, 2009




Sa susunod na post ko. Sana kaming dalawa na yung kumakanta niyan. Haha.. mag gawa kami ng video next time. Pag pumayag siya. hehe.. yan yung dinuet namin na kanta.. ;) Favourite namin pareho ni Dudes ko. :)
0 na-adik

posted @ 7:30 PM


Goodbye is not always forever diba?


Kaninang 9:30 ng umaga, dumating ang mga kaibigan ko at kasama nilang ang aking Dudes! Oo ang dudes ko as in si Mr. CDO! Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang kwento ko. Siguro dun sa part na lang na niyakap niya ako for the first time at tatapusin ko sa goodbye kiss hug . Hahaha. joke lang. Niyakap lang niya ako. Wala pang goodbye kiss. Hahah. Totoo nga sabi ni Atina, mararamdaman mo ang sweetness niya pag kasama mo na siya. Ang nakakaloka pa nito, hindi makatingin ang lola niyo sa mga mata niya. Naalala niyo ba na nabanggit ko sa past entry ko tungkol sakaniya na ang best asset niya ay ang mga mata niya at ngiti? At yun nga napatunayan ko yun kanina. Hindi talaga ako makatingin sa kanya, pero siya tutok lang ng tutok! Nakakatunaw na tutukan ang naganap kanina sa hapagkainan, sa kwarto ko at sa sala.

Bawat kilos niya talaga pinagmasdan ko. Ang daming pa lang tinatago ang lolo niyo. May part kanina na nagtugtog ng gitara si Allan, yung kaibigan ko, tapos ang tinugtog niya ay yung High by The Speaks. Sinimulan ko ang first verse at sa laking gulat ko, sinabayan ako ng lolo! Bwhahaha.. Kilignesss to the highest levelsss! Edi nag duet kami, ang ganda pala ng boses niya, hindi naman yung parang Martin Nievera pero parang Sam Milby lang. Haha.. Pero at least marunong siyang kumanta. In fairness and in fairy tale meron talaga siyang back-up sa kagwapuhan niya! Hahah.

Noong kumakain na kami, napansin ko na konti lang ang kinakain niya. Nag dadiet kasi ang lolo niyo kaya ganun. Pero ok lang naman, nakombinse ko rin siya kumain ng marami. Ok lang sa akin na di ako kumain basta busog siya. Tarush! Ayun nagtyaga na lang ako sa apple. Haha.

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi matulala sakaniya pag di siya nakatangin. Parang love at first sight kung baga. Pero ewan! Napansin ko rin na sa lahat ng bagay magkasundo kami. Tulad na lang ng 'hindi paglagay ng bacon sa freezer at yung theory na opposites attract ay napatunayan na', agree din siya! Ano paba, makwento rin siya, tawa lang ng tawa. Naawa nga ako sakaniya kasi di siya masyadong maka-intinde ng tagalog, kaya tinutulungan ko na lang. Ako ang interpreter niya. Kalog din ang lolo, pasimpleng joke pero worthit ang tawa mo! Ang cute pa ng smile niya. Napansin ko rin na may tatlong nunal siya malapit sa kanyang kanang mata. Moreno siya at baby face pa. *winks! Imagine niyo na lang ang fez niya ayon sa sinabi ko. Oh diba bongga?

Ang last but not the least na part ay ang part na aalis na sila kasi may pasok pa sila sa hapon. Kaya ayon, thankful sila sa akin kasi daw pinakain ko sila ng masarap na almusal, sa hospitality ko daw at na feel at home sila. Plano nga ni Pollette, friend ko rin na bumalik ulit sa hapon kasama si fafa. Kaya excited na naman ako, sana matuloy sila. Ayon nga, yakapan na kasi aalis na sila, siya yung pangatlo kong niyakap, ayoko ngang bitawan eh pero baka malate pa sila. Kaya yun babye na lang ako. Hehe. ang bango niya kasi, I can't resist. O nosebleedd! Tapos, sabi ko see you next time na lang and ang sabi ng fafa ko, "Goodbye is not always forever diba?" . Koreeek! ;)
0 na-adik

posted @ 2:34 PM


Wednesday, October 28, 2009

True that!


I just realize that my life right now is so boring that I just prefer to play 40 straight games of bejeweled on Facebook. Like what kind of life is that? I'm not sick of it, but I just feel like I can't do much of my life now that I only stay at home and do nothing. But what can I do, I'm stuck with this frame and I can't barely walk. All I got to do is to practice patience and time will come that I can do whatever I want to do. I'm writing this entry because I remember what my friend replied when I told him that I played 40 straight games of bejeweled on facebook.

This is what he said:

"WOW joyce, u do have a sad life sometimes, LOL jks." --pssh damn right i do! & guess what, yours is worst! Bwhaha.. kidding. <3
 "HAHA! Really?! 40 non stop games of bejeweled.. But hey look at the bright side, at least  you didn't play 40 games of solitaire..." -- I know right? Solitaire's worst! :P

Oh well, gotta do something with my life or else...
0 na-adik

posted @ 5:48 PM


Nanlalamig ako!


Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito ka lamig sa buong buhay ko. Kagabi lang ako nakaramdam ng sobrang panlalamig sa mga kamay ko. Ang nakakaloka pa eh ang mga kamay ko lang talaga ang nanlalamig. Wala naman ako sa labas ng bahay, nasa loob naman ako, naka on naman yung fireplace, yung heater pero bakit malamig parin kamay ko? Waaa.. iba na to. may sakit na kamay ko. haha.. joke lang wag naman sana.. Pero buti na lang nawala yung panlalamig ng kamay ko nung nagkumot na ako. Nyeta!

Kinabukasan, kala ko hindi na mangyayari. Pero ayun, nangyari na naman sa akin. Ampf! Habang kumakain ako ng lunch ko, hindi ko mahawakan yung kutsara at tinidor ng mabuti kasi malamig talaga ang kamay ko. Kulang na lang isali ko din yung kamay ko sa microwave para initin eh. Alam ko naman malamig na talaga sa labas at malungkot si mr. ulap pero bakit kamay ko lang ang nanlalamig? Hindi buong katawan ko? Ampf! Weird talaga.. di naman na ako nag-aadik.. bwahhaha.. Sign ba to na mag-iisnow na talaga at kailngan ko ng bumili ng bagong glovesgloves? Yung kasing kapal ng bakal? waa..

Eto ang malufet! Pinlark ko yung tungkol sa nanlalamig kong mga kamay at ang mga sumusunod ay mga reply ng aking mga friends.. :D Ang babait nila! pramis. haha.. ;) Ano sa tingin niyo? Tama ba sila? Hahah.. Kayo ang humusga. :D


0 na-adik

posted @ 3:07 PM


Tuesday, October 27, 2009

Lost & Found


Kaloka ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. May madalas na akong kausap na bago ko lang nakilala. Nakakasundo ko siya sa halos lahat ng trip sa buhay. At habang nakikilala ko siya, lalo lang akong nagkakagusto sakanya. Ibig kong sabihin CRUSH lang. Kayo naman. Siyempre, hindi talaga maiiwasan yun. Kasi naman si Tisoy, di na masyadong nagpaparamdam! Ewan ko ba dun, di na niya ata ako namimiss. Haha Feelerrr! Kaya may reserba ako siyempre. Hindi lang mga lalaki ang may reserba nuh, pati mga babae din. Kaya go ako! :p

 Madali lang kasi ako naaattract sa mga taong nakakasundo ko sa halos lahat ng trip ko sa buhay. Walang problema kasi pag nagkakasundo kayo. Hala, tawa dito, tawa doon. Ganun kaming dalawa. Ay, nakalimutan ko, wala pa pala akong alyas sa kanya. Hmm.. ano kaya magandang alyas sakanya. Siguro si Mr.CDO na lang muna. Hindi siya model ng karne norte o kung anong sardinas man yan ha. Mr. CDO kasi galing siya Cagayan De Oro. Oh dba? Bongga?! Hahah. Pero papalitan ko din yan pag makaisip na ako ng bagong name.

Iba ka kasi Mr. CDO, pamatay ang ngiti mo at ang cute ng mga mata mo. Ngayon lang ako nakakita ng mga matang ganyan kaganda. Hayss. parang may sinasabi daw sabi nung bffs kong si Atina. Hahah.. Message ko sau, sana stay the same ka lang. U make my day ng bonggang bongga. Na Lost & Found ako sayo. Haha. ang gulo pero ganun talaga. Siguro nga ang liit ng mundo para sa ating dalawa kasi somehow, we got connected. Ayoko ng mag-explain, comment na lang kayo. Haha.. Basta yun na yun ha. Sa susunod na naman nating pag-uusap DUDES. Ingat ka sa pagwoworkout mo. Hahah.. :p


DUDES :)
0 na-adik

posted @ 6:03 PM


In behalf.


Kakaiba pala pag ang role mo eh mas malaki at mas mejo challenging na para sa'yo. Hindi mo maiwasang magdalawang isip kung gagawin mo ba o hindi. May mga roles naman na kaya ko pero hindi ko parin alam kung makakaya kong gawin. O sadyang tamad lang talaga akong gawin yun kahit yaka naman ng powers ko! haha..

Pero may iba rin talaga na pinapasa na lang sa iyo yung mga responsibilites nila kahit naman alam nila na gawain nila talaga yun. Yun din ang mga ayaw ko sa ibang tao dahil masyado na silang sanay na ipa-asa sa iba ang gawain nila kahit alam naman nilang masyado na silang nang-aabuso. Hayss ayoko na lang magdagdag pa.. Basta yun na yun.. Ma realize mo na lang sana isang araw na may responsibilidad ka na dapat hindi mo pinapaasa sa iba..

** Salamat pala kay Shyrrs sa pagtulong sa pag-ayos ng page ko. Hindi na po siya underconstruction. Please free to comment. Thank You. :) **
0 na-adik

posted @ 5:20 PM


Monday, October 26, 2009

Bingi-bingihan


Masyado na akong napupuno sa mga pagpaparinig niyo. Nakakabingi na. Ayoko na. Kung wala kayong tiwala sa akin, no comment na lang ako tungkol jan. Alam ko concern kayo, pero wag niyo naman haluan ng duda oh, please lang. Ito lang masisiguro ko sa inyo, ginagawa ko parte ko bilang isang tao, suporta na lang kayo, sasaya pa ako.

Kaya nga... sumsasaya ako kapag may nagbibigay pugay sa mga ginagawa ko.
Feeling ko... ang galing galing ko dahil nagawa ko yun..
Pero.. may mga tao talagang hindi mapigilan ang gawain nilang magpuna sa ibang tao..
Minsan.. hinihiling ko na lang minsan na maging bingi na lang sa mga pinagsasabi nila kung tingin ko naman ay hindi makakatulong..


...may nagkwento nga sa akin tungkol sa istorya ng palaka..
Isang araw, may pacontest ang mundo ng mga palaka.. Kung sino ang unang makaka-akyat sa bundok ay makakatanggap ng premyo. Ang ibang pasaway na palaka, ay nagtagay ng lemonade kasabay ang ibang pasaway din na mga palaka. Ang iba umakyat pero nasa kalahati pa lang sila ng bundok eh bumaba na sila. Naimpluwensya naman ang ibang palaka na bumaba na rin. Pero, may isa sakanila na nanalo. Pinatawag nung mayor ng mga palaka ang palakang nanalo pero ayaw nitong bumaba sa bundok.. Alam niyo kung bakit? Kasi bingi yung palaka.. Hindi niya narinig yung mga sinasabi nung ibang palaka na bumaba sa kalagitnaan ng kompitisyon. Kaya akyat lang ng akyat ang palaka kaya siya nanalo..nagkaroon pa siya ng premyo!

Gets niyo ba yung lesson? Ako, sobra..
0 na-adik

posted @ 4:52 PM


Sunday, October 25, 2009

This is happiness!



Ayan kami. Si Joyce at Atina. Mag bestfriends na kami for 2yrs & 4 months. Ayan, bilang na bilang pa talaga ha. Pero eto lang ang masasabi ko, hindi namin binabase ang pinagsamahan sa haba ng taon na magkasama kami kundi ang mga napagdaanan namin na kung ano-ano at eto parin kami magbff's parin.
Kaming dalawa ni Atina, bihira lang talaga kaming mag-eemo emo sa buhay namin lalo na pag tungkol sa aming dalawa. Masayahin kasi kaming tao kaya pinaka-least expected sa amin ay yung maging malungkot at umiyak. Pero guess what, nangyari na sa amin yun. Hindi dahil sa marami kaming problema kundi dahil sa mga napagtanto-tanto sa paglalakbay namin sa buhay.
Masasabi ko talagang naging matatag kaming magbestfriends kahit sinubukan na kami ng tadhana. Hindi pa rin nakasira ang tadhana sa binuo naming pagkakaibigan kahit sa anong hamon man ang harapin namin. Katulad na lang ng paghahanap namin sa sarili naming mga gusto sa buhay pero hindi namin nakamit. Siguro hindi niyo maiintindihan kung hindi ko kayo bibigyan ng halimbawa.
Kagabi, nag-usap kami ng mahal ko [si Atina] sa text. Sa una, random pa yung mga pinag-uusapan namin pero biglang dumating sa punto na may sinabi siya sa aking nagbigay ngiti sa mga labi ko.
At eto nga po yun..Umabot ang pinag-usapan namin ng hanggang dalawang pahina ng text. Pero it was all worth it at ok lang sa akin kahit natagalan ako ng gising sa umaga. :)

Atina: "aw u knw ur such a good person"
Joyce: "Awee thank u mahal.. Kaw dn nmn e. I just dont say it to u often.. :) but once i say it i mean it.. ;)"
Atina:"me either nguso.. :)"
Atina:" ui bff, i found u already" --matagal na kasi siyang naghahanap ng tunay na bff, pero wala pa lang ganun talaga ayun sakanya.. until..
Joyce:"Ahihi.. Nahanp mo na? ehehe.."
Atina: "uu naman u who she is?"
Joyce: "Who she is?"
Atina:"1/2: uhm shes always there but i dont even realise it., the bad thing about it is ive been expecting or nag ha2np  ng bff na way too
2/2: perfct now alm q wla nmn tlga., i feel so bad that i did reject her"
Joyce: "Awwee. She wud understnd mahal kng ano reason m. Xmpre d tlg tau maging kontento s lyf but that how it is. She wud say na uve bin rili gud to her kya kht sobrang dmi n xang frnds she wud still consider u as her bff kht my bestfriends xa.. Labs na labs k nia kc alam nia n she found a frend in u n hnd xa iiwan kht ano mnyri.. ;)"
Atina: "1/2: she probably has those answers in mind,. i just wanna say to her na sorry coz ive been too self centered nd sorry if im not there
2/2: if she has problems., lastly ilove her"
Joyce: "Hmm she wud accpt that apology whole heartedly.. Knwing u rili mean it & she undrstnd u so mch cuz she has mistakes 2. & she loves u more also & always.. :)"
Atina: "1/2: aw sana malaman nia kung ganu ako kasaya :) thankful ako all these years she manage too accept or good word deal with my egocentric side.."
Joyce: "Uu nmn cuz she totally understnds ur side. & bff's dont have to have rules its just u nid to accpt each others differences.. parang pagnagka-bf ka kailngn dba tanggp m xa kng ano xa kht anong way. Gnun dn ang magbff xcpt that they dont make out. haha.."
Atina:"aw u just made me laugh., thank you jo1st my bff :)., now its official ur my bff nd i accept u no matter what n u knw dat."
Joyce: "awwee im really honoured to be ur bff. Its worth an entry for my blog. Pagma2laki q na bff kta. Pra na aqng nagkabf ulit xcpt di nia aq hihiwlayan. haha. ma2halin nia aq & magi2ng masaya aq sau..:)"

At marami pang kasunod na linya.. pero ganun nga talaga. Mahal na mahal ako ng bff kong si Atina at ganun din ako. Hinding hindi ko siya masisisi na sinubukan niyang maghanap ng bff niya kasi alam ko naman na mangyayari talaga yun. At alam ko rin naman na walang masama kung susubok ka, wala namang mawawala sau. Kahit ako hindi naghanap, ok lang din naman kasi nahanp ko narin siya. Sabi ko nga saknya, "I achieved really something special in life and that is, I found one of the most precious gift God gave me. & its you mahal. Thank you for everything. :)" Masasabi ko talagang kusang darating ang kaligayahan na matagal mo ng inaasam asam sa buhay sa tamang oras at panahon. Kailangan lang natin na magpasensya at maghintay kasi my plano yan c Bro na maganda para sa atin. & This is happiness! I love you Atina.<3





*Dedicate ko song na to para kay Atina.. i think the lyrics really suites our friendship. It grows from time to time..*
3 na-adik

posted @ 5:33 PM


Barado ka!



May mga tao lang talagang sadyang makulit in their own ways. Na ang pagiging makulit ay nahahantong na sa alitan, hamunan at gyera! Oo, mag gegyera talaga! Walang nagpapatalo at sa huli wala namang nananalo. Ay sos nga naman talaga! Kaya may ibabahagi ako sa inyo na mga txt messages galing sa pag-uusap namin ng kaibigan ko. Itago na lang natin siya sa pangalang C-jay. Ay sos! tinago ko pa, ibubulgar lang din pala. ahihihi..


Ok. Here we go.. Alert Alert! Skimpertoosh! Eklavoosh! Hep hep hooray! Ay hindi pala.. ok.. eto na talaga.. go! 


Situation: Nag-uusap kami ni Cjay ng random conversation.. Day1: 12:00 AM



Ad1kgurL: "hmm.. malay mo.. haha.. Pro gnun tlga lyf.. cute c ___ e aq magnda kaya gnun talga..haha.. jokes.."

C-jay: "Hahah.. agree na nga lang aq pra may kasama ka nman sa kalokohan mu.. lol.."
Ad1kgurL: "haha.. wg na! Napilitin k lng e! Gs2 m dn ata sabhn q magnda ka.. haha.. :p" 
C-jay: " Hahah.. edi wag aq na nga sumusoporta eh ikaw pa ung may ayaw..:p" 
Ad1kgurL: " haha o cge suporta ha wg napi2litan.. haha.. Ang kulit natin! hahah.."
C-jay: "Haha.. anung natin.. ikaw lang.. :p"
Ad1kgurL: "Haha ewn q sau! haha prang d k p tlga mxadong makulit sa txt na to ha! Haha.."
C-jay: " Haha.. d nman aq makulit eh.. :p kaw lng! mag isa ka.. whahah.."
Ad1kgurL: "Hahaha..okkey.. kaya q namamgnet mga lalaki kc makulit aq.. Lyk nila un! haha.."
C-jay: " kapal ng face.. hahah.. pabawasan nga muna ntin kay vicky belo kht onti lng..lol.."
Ad1kgurL:" haha d na kailngn. D nia keri un. haha.." 
C-jay: "Haha grabhe nmn ang kapal ng mukha mo kung gnun..pa chainsaw nlng ntin.. haha.." 
Ad1kgurL: "Hahaha wla ng makakakeri tlga d2! haha ok nga un eh kc ibig sbhn d aq plastik!.. haha.."
C-jay: "haha.. uu nga noh.. galing2 tlga ng momie ko nagmana skn.. haha.."
Ad1kgurL: "haha xmpre! Cno ba nmn magmamanahan eh tau2 lng dn! haha.."
C-jay: " aahh okeey.." 


Masyado siyang mahaba pero gnun nga talaga ang txt namin araw-araw. Ngayon ko lang naisipang ibahagi.

May part 2 pa yan. Abangan...


End time: 12:37AM

4 na-adik

posted @ 4:49 PM


Saturday, October 24, 2009

UNDER CONSTRUCTION


MY PAGE IS UNDER CONSTRUCTION! TINATAMAD MODE AKO NGAYON. KAILANGAN KO PA NG MARAMING ORAS PARA DITO AT HINDI ITO ANG TAMANG PANAHON.. EWAN KO BAH.. MASYADO AKONG NALILITO EH.. KAILANGAN KO ATA NG PAGKAIN.. 


BABALIK AKO .. PRAMIS.. :)
0 na-adik

posted @ 5:08 PM


Walang Kiki!


Akala ko ako lang mag-isa ang walang kiki sa buhay. Anong kiki? It means lalaki, fafa, fafi at kung ano pang pwede nyong itawag sa mga papalicious nio. Na-realize ko lang kagabi na hindi lang pala ako ang naghahanap din ng ganun. Marami pa pala. Bigyan ko kayo ng halimbawa:

Ad1kgurL: "Uyy, hananpan mo naman ako ng fafa jan.. May maisasuggest ka bah?" -- para na akong desperada sa lagay na yan pero hindi talaga..
Girl: "Sa akin kapa naghanap eh ako nga walang fafa, ikaw pa kaya mabibigyan ko!!!" -- hindi naman siya masyadong sumisigaw ano? Buti na lang sa text lang yun nangyari. Eh kung harapharapan pa edi nabingi na ako sa kanya..
Ad1kgurL: "Sabi ko nga.. haha.. sori lang naman, ang dami mo kasing crush eh..kaya napagicpn q na baka may nahanp ka nrin.. yung para sau.. :)" -- ambait ko, may smiley face pa talaga sa huli.. para di maxadong afected! haha.. joke lng.
Girl: "Eh hanggang crush lang naman ako.. pareho lang tau.. " -- sabagay nga naman.. oh well.. yun na lang un..
Ad1kgurL: "O cge .. prehas lang pala tau.. cge bye na.. an2k na me eh.." -- biglang inantok ang adik! hahaha..

Well, yun lang yun.. narealize ko ang dami pala namin.. Sabi pa nga din ng isa kong kaibigan, "Love takes time nga diba?" [nabasa lang niya sa signature ng cellphone ko.. `Lov3tAkeStYm` nakalagay. hahaha..] Pero agree ako jan! Bagong motto ko na ata un hanggang sa hindi pa ako makahanap ng bagong kiki..
0 na-adik

posted @ 3:13 PM


Friday, October 16, 2009

REVIEW


Natapos na naman ang linggo ko ng walang nagawa. Hay ang buhay nga naman boring din kung minsan. Kaya review ko lang ang nangyari sakin sa linggong ito. Sana sa susunod na linggo may magawa na ako at mapakinabangan ko naman ang pagtatambay ko sa bahay ng matagal.

Lunes hanggang Biyernes ito lang ang mga ginawa ko:

*Obyusle, nagkompyuter ang lola at nanuod ng mga paburito niyang teleserye sa internet
katulad na lang ng Dahil may isang ikaw, Pinoy Big Brother Double Up, Ang lalaking nagmahal sa akin.. etc.

-- Hindi talaga ako mabubuhay kapag wala ang mga shows ng ABS-CBN. Maloloka ako!

*Nagkaroon ako ng bagong celpone at tuwang tuwa ako kaya todo txt ang lola sa mga ka-friendsters niya. 

-- Matagal tagal na rin kasi akong hindi nagka CP kaya noong natanggap ko ang graduation gift ko, tuwang tuwa ako. GM (group message) dito , GM doon. Salamat naman may nagreply, yun nga lang. "Hu u?" Tsk..tsk tsk.. Reply naman ako --"C Joyce 2..bago q no. add mo na lang sa fonebuk mo ha.tnx. :)"-- oh dba bongga? Hahaha..

*Kumain, mag-exercise at matulog..
-- Syempre kailangan talaga yan lalo na pag tambay ka lang..

*Naloka kay Johan!
-- Nakakaloka naman talaga kasi ang kagwapuhan ni Johan ng PBB Double Up! Ampogeeh kasi eh! :D


*Nag-apply ng college through online.
-- Kailangan na kasi kesa magmadali pa ako sa akto. Yun!


*May bago akong peyborit song. Mapapakinggan niyo sa homepage ko.
-- Ganda kasi ng message.. :) Nakakainlab boses ng lalaki! Yun lang naman..

*Nagkaroon din pala ako ng new friends.. Kalahi ko pa! Hahaha.. evvurr! 
-- Ang kukulit nila! Yun lang masasabi ko. Harharhar..

So far eto pa lang ang nagagawa ko sa buong linggong to. Sa weekend maganda ang mangyayari pero di ko pa pwedeng ikwento eh baka di matuloy. Hahah.. di pwede yun! :(

Ayun, review ko lang. Medyo konti lang talaga nagawa ko. Oh well, hindi naman ako matatawag na tambay kung marami akong ginagawa hindi po ba? O cge na, magbibusy-busyhan muna ako dito..
3 na-adik

posted @ 11:33 AM


Tuesday, October 13, 2009

NEW PHONE!



Yes! May bagong cellphone po ako. Gusto ko lang ipamahagi ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon kasi hindi ko naman talaga akalain na magkakaroon ako ng bagong telepono! Bakit nga naman hindi? Sa sobrang pagiging pasaway ko nga sa parents ko, bakit pa nila ako bibilhan ng ganyan? Tingon niyo.
Pero hindi eh. BINILHAN parin nila ako! Kaya ang saya saya ko, kala ko lang kasi pakulo lang nila yun o di kaya kapatid ko lang binilhan nila ng bago. Kaya nung natanggap ko to todo txt ako sa mga fwends ko! Chenes! Namiss nila ako eh. Unlimited naman kaya go! Hahaha.. Oh cge na, baboo! txt nio na lang me. Hahah.. 778-848-****. L8rs!
2 na-adik

posted @ 12:08 PM


Thursday, October 8, 2009

Lyka Blaire Lomarda ♥



Ang pinakamaganda at pinaka-cute na baby na andito sa entry na ito ay ang anak ko na nagmana sa akin. Nakalimutan ko birthday niya pero may birthday siya. Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang pichur ng batang ito kasi nga anak ko siya and I love her so much. Ganyan naman siguro ang gawain ng isang ina, ang ipagmalaki ang anak sa lahat. Miss na miss ko na kasi itong baby ko. Iniwan ko siya sa Pilipinas after ko siyang isilang. Gusto ko lang patunayan sa inyong lahat na may anak talaga ako. Ang dami kasing hindi naniniwala sa akin eh. Pero ayan na! Patunay na may pichur ako ng anak ko. Diba ang cute? Kumakain pa siya ng lollipop oh!
Kinuha ko tong litratong ito noong umuwi ako ng Pilipinas noong April 24, 2009. Isang taon at kalahati na ang anak ko. Siguro, nagtataka kayo kung bakit iba apilyedo niya? Kasi, trip lang namin ng "asawa" ko ang gamitin ang maiden name ng mama ko kaya ganyan. Oh diba? Bongga talaga! Nga pala, Lyka Blaire ang pangalan niya.




*ANG TOTOO...

--Hindi ko siya anak.
--Pinsan ko lang siya.
--Totoong Lyka Blaire Lomarda ang name niya
--Cute at Maganda siya.
--Totoo din na umuwi ako ng Pilipinas.
--At totoo na Single pa ako!

**Nakukyutan lang talaga ako sa pinsan kong to. Magkamukha kasi kami noong bata pa ako at kasing edad niya lang ako, lumalandi at rumarampa na! hahah.. Kaya sorry kung nagsayang pa kayo ng panahon na basahin eto. Tignan niyo na lang ang mala-anghel na mukha ni Lyka... & *sigh....
2 na-adik

posted @ 5:22 PM


Before vs. After



 *eto ako noon at ngayon...

Pagmasdan niyong mabuti ang larawan sa itaas. Anong kaibahan? Buhok? Pwede. Kilay? Pwede rin. Nguso? Hmmm hnd nmn aq nagpa lip job. Kontento na ako sa nguso ko. Haha.
Pero ang punto ko, feeling ko lumalaki na ako. Kasi naman simula noong nagsurgery ako, hanggang ngayon, nasa bahay lang ako nagpapalaki ng pwet at tiyan! Ang bigat ko na siguro ngayon kung pwede ko lang matimbang yung sarili ko sa weighing scale. The last time I check it was 90lbs. oh dba? Bongga ang weight! GAAN!
Hindi ko naman sinasabi na self-conscious na ako ngayon. Kasi hindi naman talaga. Ang iniisip ko lang kung paano ko mamaintain ang dati kong weight habang nagrerecover ako. Ok lang din naman sa akin kung puro pagkain ang pumapasok basta wag lang yung nakakataba. Lahat naman siguro ng babae sa mundo alam yun at yun ang gustong gawin sa katawan nila. Proper diet ang tawag doon. Ni minsan kasi sa buhay ko, hindi pa ako nagda-diet. Mind you, sinubukan ko pero wa-epek sa akin. Kunwari, after six diet daw, dapat hindi na kailangan kumain pagkatapos ng 6pm. Sinunod ko nga pero after 10pm gutom na ako edi diretso agad ako sa ref at lumamon ng pagkain. Gulat si nanay, ubos ang ulam! Sorry lang nay.
Kaya yun tinigil ko na lang. Never work for me.  

Another one, jogging daw at proper exercise. Try naman ako kasi nga healthy na gawin yun. Jogging.. Jogging.. Bend.. Bend.. 1 2 3 4 PAK! Pagod na ako. Edi natulog ako! Wala lang din yung ginawa kong pagjajogging sa park at nasayang lang din ang oras ko na paggising ko sa umaga na sana ginamit ko na lang para buo ang tulog ko.
Hayss kulang lang ata ako sa diterminasyon sa mga ginagawa ko. Kaya ang dami ko na ngayon napapansin sa mukha ko ngayon, at sa katawan.  OMyGosssh! I don't want to be health freak! Pero OMyGosssh din! From size 0 - 2? Hindi kaba magfifreaaak out? Lumaki ang waist ko! Waaaa.
Eh basta, saka na lang ako mag-iisip kung papano ko to malulusutan.
Siguro yung 1 cup per meal na lang! Baka sakali lang naman. 
**Cross my fingers & toes.. 
1 na-adik

posted @ 5:05 PM


Wednesday, October 7, 2009

Blog adik na ako!


I can't believe it na I spent my entire day fixing this blog. I think i'm starting to get addicted to this. Talaga! Seryoso. Ewan ko ba kung anong meron at adik na ako dito sa pagbablog. Kahit walang matinong pag-uusapan, hala sige parin sa pagbablog. Kaya siguro din, bagay sakin ang domain name ko dito na AD1K GURL kasi adik na talaga. It's official. Adik na ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Ewan ko na lang kung paano ako magpapagamot. Bahala na si Batman.

Speaking of Batman, kamusta naman kaya ang Batman ng buhay ko? Hahaha. Eto na naman ako, nagiimagine na naman. Pero seryoso, kamusta na kaya si Tisoy. Tisoy naman mag reply kana sa message ko, kulang lang yung comment mo eh! HAHAHA..Yun na! [Ano kaya koneksyon ng pagiging blog adik ko sa Batman ng buhay ko?] Ewan! Yun na! Wag kang echosera.

baboo!
2 na-adik

posted @ 3:36 PM


Monday, October 5, 2009

Soon to be 18.



Exactly 69 days from now and it's my 18th birthday!

" Wow! It's your 18th birthday. In most parts of the world, you are now regarded as an adult. Flaunt your driving license, and exercise your right to vote. But, as Peter Parker said in Spiderman, "With great power comes great responsibility." So exercise your freedom with maturity. "



Totoo nga talaga na ang bilis ng takbo ng panahon. Feeling ko nga hindi na tumatakbo eh, nagkokotse na siya ngayon sa hi-tech na ng henerasyon natin ngayon. LOL.


Ang saya saya ko kasi malapit na akong maging LEGAL. Hindi ko iniisip na tumatanda na ako kasi doon naman talaga tayo lahat papunta. Ang iniisip ko na lang ay yung mga darating pa na mga biyaya na ibibigay sakin ng Diyos at yung mga pagsubok na haharapin ko kapag ako'y isang ganap na na dalaga. Na sana lahat ng yon magagamit ko para mas lumawak ang kaalaman ko sa lahat ng bagay dito sa mundo. Kahit walang malaking debut party ayos lang basta 18 na ako. Hindi naman mababago edad ko kung may party o wala diba? Ang weird ko nga eh kasi ang gusto kong "debut" party is when I turn 19. Kasi ganito yun. Kapag 19 kana, eto na yung huling taon mo na nasa teenage stage ka. Kasi pag 20 kana, hindi na pwedeng 20-teen. Wag kana mag-isip na magiging dalaga/binata ka na lang habang buhay. Para sakin, mas maganda yung tumatanda ka at marami kang pang matututunan sa iyong sarili, mas marami kapang madidiskubre tungkol sa mga tao at bagay na nasa paligid mo.


Kapag 18 kana, mas marami kang responsibilidad. Dito kana magsisimulang maging independent. Kaya nga iyong last post ko, ang ibig kong sabihin ay yung maging independent ako kahit simulan ko sa pagdedecide kung saan ko gustong mag-aral. Wala naman sigurong masama kung susubukan diba? Ang pinaka gusto ko talagang ugali ko ay yung sobra akong positibo sa mga nangyari, nagyayari, at mangyayari sa buhay ko. At yun na siguro ang hindi ko babaguhin sa sarili ko kapag 18 na ako. Mahirap na kapag hindi ka open-minded at positive, walang mangyayari sayo kapag puro negative ang iniisip mo. Wag ganun!



Hay.. excited na talaga ako sa kung anong pwedeng mangyari sa buhay ko kapag 18 na ako. Sabi nga nila wala ng bawal! Hahah. Ang saya nga talaga kapag 18 kana. Pero syempre disiplina at limitasyon ang kailangan para walang masyadong problema sa buhay mo. Kailangan ko din maging masaya kahit paminsan minsan nuh? Hirap kaya magkapimpols at magkawrinkles pag 18 ka palang! Grabhe parang lochang na itsura ko niyan! Eww! Ahhaha. Oh well papel, let's see what will happen after 69 days of waiting. I'm sure it would be a life-changing experience. Wow! I'm finally 18.

2 na-adik

posted @ 3:50 PM


Narrowminded.



nar-row-mind-ed [nar-oh-mahyn-did]
–adjective
1.
having or showing a prejudiced mind, as persons or opinions; biased.
2.
not receptive to new ideas; having a closed mind.
3.
extremely conservative and morally self-righteous.


Yan ang ibinigay na sagot sakin ng dictionary.com.  Hindi ko lang talaga lubos maisip na later in life makakahalubilo ko pala ang mga taong makikitid ang utak. Ayoko na lang magbigay ng espesipikong pangalan ng tao dahil hindi naman ito mahalagang malaman pa ninyo. Pasensya na kung ang mga susunod na isusulat ko dito sa blog ko ay puno ng emosyon at galit sa mga taong makikitid ang utak. WARNING lang!.


Linggo, ika-4 ng Oktubre, 2009. 


Linggo pa naman at galing akong simbahan para magbigay ng oras para sa Panginoon. Pero ang pinakamasamang bahagi na nangyari sa akin sa araw na iyon ay ang makausap ang isang tao na sobra naman talaga ang kitid ng utak. Para sa akin, malaking bagay iyong pinag-usapan namin dahil ito ay tungkol sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Gusto ko kasing sumubok, pag sinabi kong sumubok i mean take a risk, do or die --mga ganyang bagay. Ako, wala akong inurungang pagsubok sa buong buhay ko. Masasabi kong isa akong matapang na babae at ipinagmamalaki ko kung anong kakayahan na meron ako. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero eto talaga ako eh, susubok sa kahit anong bagay.



Ito na siguro ang pinaka-panget na linggo na nangyari sa buong buhay ko. Ang laki ng kasalanan ko sa Panginoon noong araw na iyon. Aminado ako doon. Ewan ko na lang sa taong yun. Bakit ba pag may gusto kang ipaliwanag sa mga taong makikitid ang utak eh ang tagal nilang ma-getching ang mga gusto mo ipahiwatig sakanila? Nagtataka lang ako kung bakit napakahina nila sa mga bagay na ganyan o sila lang ba talaga yun na ayaw lang talaga ng gulo sa utak nila. Pues haler! Alugin ko kaya utak mo, at ng malaman mo na hindi tama ang pag-iisip mo. Ang mahirap pa nito, hindi sila nagpapatalo sa kahit anong bagay. Nakikipag debate pa ang taong ito sakin. Alam ko ang gusto niyang iparating sakin kasi syempre hindi ako katulad niya. Alam ko yon. 


Hanggang kelan pa kaya niya bubuksan ang isip niya sa mga bagay bagay sa paligid niya? Sobrang nakakairita na kasi yung mga ugaling ganito. Sana nga eto na yung huling beses na makakausap ko siya ng ganyan. Mahirap na talaga, lalo pa't hindi niya ako kilala sa kung ano at sino ako. Nanghuhusga siya ng kung ano-ano laban sa akin na dapat hindi niya sinasabi yon dahil may relasyon kami na hindi ko mabubura habang buhay. Sige na nga sasabihin ko na lang kung sino. Ang AMA ko. Oo siya yung taong sobrang kitid ang utak. Hirap paintindihin. Alam kong stricto ang mga tatay pagdating sa mga anak nila. Pero tatay ko iba. Ayoko ng magbitiw pa ng maraming salita tungkol sa kanya kasi alam ko namang kahit anong laban ko, talo parin ako at siya pa rin ang magwawagi sa huli. Hay buhay.

Buti na lang hindi kami napano nong linggo.
0 na-adik

posted @ 3:20 PM


welcome

Welcome to adikgurl's blog.
MESSAGE: "LOVE.LOVE.LOVE ♥"
started blogging on the August 2009.

Call Me Ms.Joist

Photobucket I'm adikgurl - my codename for this blog. I'm 18; widowed and have a fantabulous life. I can say that I'm trying to be invincible as I can be to hide all the heartaches in me. Don't judge or you'll be damned! :p
i'm (ad1kgurl)

tagboard



links

PinayPraning
CHKSLG
Mrs. Sairupsa-Navero
Acetylsalicylate
Josan
Korek ka John
Zendel Sayson

credits

skin by: danny
images: JasminGreenTea
pattern: heroine

Music is Love♥





IT's EFFIN' GNARLY! ♥

archives

  • August 2009
  • September 2009
  • October 2009
  • November 2009
  • December 2009
  • January 2010
  • February 2010
  • March 2010