<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head> <body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d8805407178285977296\x26blogName\x3dLIVE.LOVE.LAUGH\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://isangad1kgurl.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://isangad1kgurl.blogspot.com/\x26vt\x3d8003630124438292174', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Thursday, January 28, 2010

Excuse me, Che!


Muli kong nakausap si kras kanina sa telepono. Walang ni-isang salita ang pumasok sa isip ko kundi, "hello" lang talaga. Tamaan man ako ng kidlat, pero yun lang talaga. Kung naaalala niyo dati sa mga iba kong entries na tungkol sa kanya, ang emo2 ko, daming ka okrayan at kung ano pa. Pero nung nakausap ko na pala ulit, "hello" lang pala masasabi ko? Namaan! Well, well, hindi naman ako nanghinayang, nainis pwede pa. Ikaw ba naman kasi hindi pansinin ng matagal diba, hindi magparamdam ng konti, kahit "hello" lang din, wala! E talagang mababadtrip ka ng bongga. Pero, enhale, exhale, keri ko naman ang nangyari. Malinaw na sa akin ngayon na hindi naman pala ako isang malaking kawalan sa kanya. Jusko naman, pina-isip pa niya ako ng matagal, bago ko maramdaman yun? Kahit hindi pa niya sabihin sa akin na "wala lang" ako sakanya, ok lang, tono pa lang ng boses niya, alam ko na. Yehes naman, sabi ko sa inyo eh, masusolusyonan ko din tong problema kong to, ganyanan lang pala eh, walang pakiramdaman, edi bibigay ko sayo. Pasensyahan na lang tol, nagsawa na ako sayo, ni-hindi nga kita na-miss eh, ASA! Di lang naman ikaw ang natatanging nilalang sa mundong to na pwede kong buhusan ng kabaliwan ko nuh, excuse me! Che!



*sa wakas, tinkyu Lord!*


truly yours,

adikgurl ♥
0 na-adik

posted @ 7:51 PM


peace & serenity


Nagbabalik na naman ako sa munting mundo ko para magbahagi ng isang kwento. Hindi lang siya kwento kundi mga saluobin ko sa buhay. Saluobin talaga ang tawag ko jan dahil sa hindi na ako makahinga ng maluwag sa twing inaalala ko ang mga ito. Pakiramdam ko tuloy, isa ako sa mga tao sa mundo na punong-puno ng problema, konti ang kasiyahan, walang pribadong lugar, atbp. Sorry na lang siguro ako e kasi pinanganak akong ganito na pasan-pasan na lahat ng pwedeng problemahin ng isang taong katulad ko. Hindi naman ako masyadong bata para magsabi ng mga problema ko eh nuh? Pero, shockings diba? 18 yrs old pa lang po ako, utang na loob, kelan ba mababawasan mga problema ko sa buhay? Parang araw-araw na lang dinadagdagan ng 10% ang mga problema ko. Hirap magkompyut kung ilan na mga problema ko sa buhay pero masasabi ko lang, MADAMI SILA! Papano na kaya pag 50 yrs old na ako, 10% additional problem everyday, grabeh naman, walang patawad yun! Kung pwede lang sanang burahin mga problema kong to isa-isa eh, kung nakasulat lang sila sa papel, gagawin ko talaga para hindi na ako mahirapan, kaso lang nakasulat siya sa libro ng buhay ko eh, ewan ko ba kung nasaan nakatago yung libro na yun! Asarrr! (hindi literal na libro, okee). Hindi ko na alam kung sa papanong paraan ko to maiso-solve; sabi nila, "take it easy", kaya ko pa, oo, kaya ko pa talaga, malapit na akong bumigay. Potekkk! O sha, pag ako nabadtrip dito, wala lang. Alis na lang ako. Bye.


*pasensya, badtrip talaga. di ko man lang nakwento mga saluobin ko sa sobrang dami. Imagine na lang kayo, khey.*


truly yours,

adikgurl ♥
0 na-adik

posted @ 7:33 PM


Saturday, January 23, 2010

Pagpapahalaga


Kahapon, ika-22 ng Enero, 2010, nag-skype kami ng aking bespren na nasa Pinas na si Kimst. Matagal na kaming magkakilala nitong aking bespren. Halos limang taon na kaming mag-bespren pero wala akong matandaan ni isang away o tampuhan man lang na nangyari sa amin. Syempre, maliban sakanya, may iba pa akong besprens. Marami akong besprens at silang lahat pinapahalagahan ko at tinitreasure ko talaga ng bongga ang samahan namin. Para sa akin, nasusubukan ang isang tibay ng samahan sa taon ng pagkakilala niyo sa isa't isa, yung closeness na binuo niyo sa simula pa, at kahit saan pa man kayo nakatira sa mundong to, maghahanap at maghahanap parin kayo ng paraan para hindi mawalan ng komunikasyon ang isat isa. Ganyan kami ng bespren kong si Kimst. Sa tuwing nakikita ko siya sa webcam o iniisip ko ang moments namin, napapangiti ako at natutuwa dahil laking pasasalamat ko na dumating siya sa buhay ko. Nanganak na lang siya lahat-lahat wala padin nag-iba sa samahan namin. NEVER kong hinusgahan ang pagkatao niya, o ang pamilya niya o kung sino man ang konektado sakaniya dahil tanggap ko siya ng buo. Totoo siyang kaibigan sa akin at totoo din ako sakanya. Nakikita ko sa mga mata niya masaya din siya na ako ang naging kaibigan niya all these years, sandalan niya sa lahat ng dagok sa buhay at tinuring niya na ring isang kapatid.

Habang nanunuod ako ng PBB Double Up, sinubaybayan ko talaga ang edition na ito simula pa nung Oct. 4, 2009 nang muling nagbukas ito at hanggang ngayon. At sa weekly task nga nila ngayong linggong ito, may natutunan ako na aral, at eto yun:

Kahit ano pang premyo o kapalit ang ibigay sayo ng mas nakakataas, kung ang kapalit naman nito ay ang pagkawala ng pagkakaibigan niyo, mas pipiliin ko na lang ang pagkakaibigan kesa sa premyo. Kasi ang premyo parang bula lang yan, puputok at mawawala pero ang kaibigan at samahan na nabuo na pag nasira yan, mahirap ng buoin ulit. Pangalawa, kung ano yung pinapaniwalaan mo, panindigan mo yan kahit ano pang mangyari, pero isipin din ang kapalit na consequence dito. Hindi sa lahat ng oras tama ang paninindigan. Sabi nga nila, "sundin ang sinasabi ng iyong puso", pero para sa akin, walang tama o mali. Kung ano ang sundin mo yun ang dapat mong gawin, wag din pabago bago ng isip, maguguluhan ka lang, maniwala ka. At pangatlo, sa dalawang natutunan ko, isa lang ang masasabi ko jan. Parehong importante ang premyo at pagkakaibigan, nasa sa atin lang ang desisyon kung ano talaga ang mas matimbang. Pero kung kaya naman nating ibalanse ang dalawa, edi mas maganda, hindi ka nawalan, sulit pa ang pagod at pagsasakripisyo mo, wala pang nasirang pagkakaibigan at samahan.

Kaya ako, nai-konek ko ang natutunan ko sa PBB at sa bespren kong si Kimst, dahil kahit anong layo pa naman sa isa't - isa, hindi parin kami bumigay sa lahat ng hadlang sa buhay. Pinanindigan parin namin kung anong mas importante sa amin. Kahit sobrang busy pa siya sa pagpapalaki ng anak niya, hindi pa rin siya nakakalimot sa akin at ako din ganun dahil marunong kaming magpahalaga at magbalanse sa premyo at samahan. Sana, ganun din kayo mga tol. :)

truly yours,

adikgurl ♥
1 na-adik

posted @ 1:26 PM


Wednesday, January 20, 2010

Napahiya ako shyetts!


Pagkatapos kong bumisita sa blogsite ni xG kinuha ko ang aking DIKSYUNARYONG INGLES-PILIPINO kasi may gusto lang akong klaruhin. Gusto kong buksan ang pahina kung saan makikita ko ang lahat ng salita para sa letrang K. Pasensya na ha kung iisipin niyo laki kong ewan pag nalaman niyo ang susunod kong ginawa.
Hinahanap ko talaga ang letrang K pero yehess naman hindi ko talaga mahanap! Nagtaka pa ako sa lagay na yun ah. Napansin ko wala ding letter Z sa diksyunaryo, kasi obyuslee wala naman talagang salitang Z sa diksyunaryong Pilipino, pero meron sa mga badetts. Hinanap ko talaga ng hinanap hanggang sa nahanap ko na ang letrang K. Yun pala, kasunod lang siya ng letrang B. Langya talaga! Napaisip tuloy ako, yung totoo, napeke ba ako ng National Book Store nito? Sa isipan ko, sinisi ko pa ang NBS. Lumipas ang ilang segundo, may bigla akong naisip, yun pala, wala ding letrang C sa Pilipino kasi halerr di naman tayo mga puti. Sarap alugin ng ulo ko eh nuh! Pasensya na , dala lang ito ng sanay sa kakagamit ng ENGLISH DICTIONARY. Yehess naman! Napahiya talaga ako ng bongga dun ah, pero buti na lang, ako lang mag-isa sa bahay. Amps.
0 na-adik

posted @ 3:36 PM


Friday, January 15, 2010

yun talaga


Ang hirap naman ng sitwasyon kong to! Dati ako yung tumatawa, nagpapakasaya araw-araw, tas ngayon baliktad na lahat. Daming problema, daming iniisip. Problema sa pamilya, bigtime! Di naman nawawala yun eh. Problema sa sarili, uu, may problema ako sa sarili ko at hindi ko alam kung ano yun. Problema sa lablayp, wala naman akong boypren, kras lang, pero problema pa din! Hay naku, daming problema. Kelan ba to matatapos? ay naku, nagtanong pa ako ?

Pero sa ngayon malaki kong problema ay si kras. Kaloka! hindi na kasi "kras" yung turing ko sa nararamdaman kong to eh, kundi labs! Lab lab LOVE! Sa sobrang pagmamahal, nabaliw na. Lagi ko tuloy tinatanong sa isip ko kung ano bang pwede kong gawin, mapansin lang niya ako, mahalin lang niya ako? Ikaw, masasagot mo ba? Hayss. Ilang bwan na rin akong nag-iisip kung bibitaw naba ako o hindi sakanya. Pero pag bumitaw ako, kawalan ko, kasi pag inalis ko sarili ko sa buhay niya ng hindi nia nalalaman, ako yung mahihirapan padin, emotionally. Natatakot akong lumayo sakaniya, baka mabaliw pa ako ng tuluyan. Ang OA ko naman! tsk.

Ah basta, maghahanap ako ng solusyon sa problema kong to!


truly yours,

adikgurl ♥
0 na-adik

posted @ 9:18 PM


Thursday, January 14, 2010

nahihirapan na ako


Diba inamin ko na sayo na gusto kita? Diba iniwan ka na ng pinakamamahal mo, ang sarap sabihin sayo, "yan ang napala mo!" pero hindi ko kayang isumbat sayo yan kasi wala akong karapatan. Tawagin mo na akong tanga, kasi hanggang ngayon sunod parin ako ng sunod sayo na parang tuta, nagbabakasakaling pansinin ng amo niya. Wala kang magagawa kung ganito ako, minamahal lang naman kita eh, ano bang masama dun? Saka alam ko naman na hanggang ngayon mahal mo parin siya. Hinahangad ko lang talaga na sana isang araw buksan mo mga mata mo pati puso mo, makikita mo ako, nakangiti sayo, sasabihing, "wag ka mag-alala, andito naman ako oh, nagmamahal sayo, bigyan mo lang ako ng chance ipaparamdam ko..".

Pero ang sarap din sapukin nitong sarili ko eh, ako na nga tong nagpapakatanga, nahihirapan sa ganito, sige pa rin ng sige, ano bang meron sayo?! Sagutin mo ako!
0 na-adik

posted @ 6:06 PM


Tuesday, January 5, 2010

Dating gawi!


Mga tol! Tama na ang pahinga sa bahay, balik skwela ulit, balik trabaho at balik sa dating gawi sa buhay! Natapos na ang bakasyon nating lahat kaya tuparin na lahat ng new years resolution para swerte sa 2010! Ingat kayo lagi, wag kalimutang kumain at syempre huminga. Baka sa sobrang busy makalimutan niyo yang mga yan!
Bayaran na lahat ng pinagkakautangan sa tindahan para masagana at marami laman ang bulsa ng pera at pag mangyari yan, mangutang ulit kayo, marami ng pambayad eh, basta wag lang mag-nakaw, bad yan!

Sa mga inggitera sa mundo, tigilan na yan, sa bandang huli kayo lang din magkakainggitan, maniwala kayo!
Sa mga nag-aaway, tigil na rin yan. "We come here in peace". Peace be with you.
Sa mga bata na nag-aaral, makinig sa titser kundi bagsak kayo, sige kayo sa susunod na pasko, wala kayong regalo galing kay mommy at daddy dahil bagsak! Bleh! Haha..
Sa lahat ng tao sa mundo, dating gawi mga tol! Tuloy ang buhay... Amen.

Buhyee! xD


*Parang ewan to.. ampf.*


Truly Yours,

adikgurl ♥
0 na-adik

posted @ 2:17 PM


Na-adik ulet


Bakit nga ba lagi sa huli ang realisasyon? Bakit hindi natin agad ito napapansin bago may mangyari na hindi kanais-nais? Ganito na lang ba habang buhay, o may pwede ba akong gawin para pigilan mangyari ang hindi dapat mangyari? Yan ang mga tanong ko sa sarili ko na hindi ko talaga masagot sagot hanggang ngayon.

Ang hirap talaga baguhin ang mga nakasanayan ko ng gawin sa buhay, kumbaga nakaugalian ko ng gawin kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na ulit-ulitin ito. Sa tingin ko naman, nagbabago talaga ako, sinusubukan ko ng kontrolin ang sarili ko para habang maaga pa mapigilan ko na. Ang hirap pala ng walang limitasyon sa sarili kasi pag naisip mo na sa huli na mali ka pala, parang ang hirap ng bumangon sa pagkadapa mo. Ganyan ang naranasan ko nung mga oras sa buhay ko na nararamdaman kong wala na akong pag-asa.

My isang tao na nagpadala sa akin ng liham sa fezbuk akawnt ko noong isang araw. Hindi ko talaga inasahan na magpapadala ulit siya ng liham at sa akin pa talaga. Gulat na gulat ako to the mountain top kasi sobrang habaaaa talaga nung sulat. Hindi ko na talaga nagawang bilangin kung ilang talataan (paragraph) ang sinulat niya dun basta nawindang ako, yun na! Yung sulat, tungkol ito sa kaisa-isa niyang anak na hindi na niya alam kung ano ang gagawin dahil sa pagkasabi niya dun, "sakit sa ulo" na daw. Sinasabi nung nanay na, nahihirapan na daw siya, minsan tinatanong niya sa sarili niya kung anong nagawa niyang mali para maranasan niya to sa anak pa niya. Habang binabasa ko ang sulat niya, na-realize ko na totoo pala lahat ng sinasabi ng magulang ko sa akin simula pa noong una. Hindi ko talaga inakala na, aabutin pa ako ng ilang taon bago ko maintindihan lahat ng pinapayo nila para sa akin, at ang masaklap pa nito, sa ibang tao ko pa nakuha ang aral na napulot ko. Diba ang laki kong tanga! Ang sarap i-untog ang sarili sa pander ng sampong beses! ampfs!

Pero ewan ko ba, siguro isa rin ako sa mga taong matigas ang ulo kaya ganon na lang siguro ang mga nangyayari sa buhay ko noon, puro kapalpakan at walang kasiguraduhan. At laking himala, nakayanan ko lahat ng yun! Kaya nga masasabi kong masaklap talaga ang mga nangyari sa akin sa nakaraan. Gugustuhin ko mang mawala lahat ng ala-ala ko sa nakaraan ko, hindi ko kayang gawin. Pwede ko sigurong isantabi hanggang sa mawala pero habang buhay na siyang nakakulong dun. Gusto ko na lang alalahanin yung mga oras na masaya ako, naglalaro ng walang tigil sa kalye, nanalo sa kontest o di kaya yung mga oras na buo ang pamilya ko, ok na sa akin yun. Buti na lang laging nandyan yung "ikalawang pagkakataon" para itama ko yung mga pagkakamali ko sa buhay. At sa muling pagbigay sa akin ni Bro ng ikalawang pagkakataon, this time, hindi ko na sasayangin to. Kaya laking pasasalamat ko sa taong nagpadala sa akin ng sulat na yun sa facebook. Di ko man naisakatuparan lahat ng sinasabi ng magulang ko sa akin noon, kaya kong magsikap at magpocus sa buhay para lang maabot ko yung gusto kong maabot at para hindi na rin ako maging "pabigat at sakit ng ulo" nila. Yun na!


"madrama ako.. yun na!"

Truly yours,

adikgurl ♥
0 na-adik

posted @ 2:04 PM


Sunday, January 3, 2010

2010


Happy New Year sa lahat ng mga tao! Bagong taon, bagong pag-asa.. naks.!

Gumawa ako ng ilan sa mga gusto kong baguhin sa bagong taon na binigay ni Bro para sa akin. At habang iniisip ko yun, feeling ko kaya kong gawin throughout the whole year. Kasisimula pa nga lang ng bagong taon, nakikita ko na ang pagbabago sa sarili ko. Ano yun? Magpuyat! Hahah. jokes lang. pero totoo. Ampf!

The following are what I want to do MAINLY this new year:

-`Si Bro.. Si Bro.. Si Bro..`
-`Magpapakabait na especially sa magulang. totoo na to.`
-`Bigyan ng limits ang sarili sa lahat ng bagay and think wisely.`
-`Make new plans for new life`.
-`Kausapin ang dapat kausapin.`
-`Magbasa ng libro`.
-`Mag-exercise para gumaling`.
-`Enjoy life to the fullest kahit sandamakmak na problema pa ang dumating, kaya yan!`.

at marami pang iba. Yan lang yung sa tingin ko importante para mas magkaroon ng direksyon ang buhay ko. Hindi ako bumabata kada taon, kaya kailangan umaksyon! Iboto niyo ako sa halalan sa 2010! Hahahha.

Buhyee! Merry New Year! xD

Truly yours,

adikgurl ♥
0 na-adik

posted @ 9:32 PM


welcome

Welcome to adikgurl's blog.
MESSAGE: "LOVE.LOVE.LOVE ♥"
started blogging on the August 2009.

Call Me Ms.Joist

Photobucket I'm adikgurl - my codename for this blog. I'm 18; widowed and have a fantabulous life. I can say that I'm trying to be invincible as I can be to hide all the heartaches in me. Don't judge or you'll be damned! :p
i'm (ad1kgurl)

tagboard



links

PinayPraning
CHKSLG
Mrs. Sairupsa-Navero
Acetylsalicylate
Josan
Korek ka John
Zendel Sayson

credits

skin by: danny
images: JasminGreenTea
pattern: heroine

Music is Love♥





IT's EFFIN' GNARLY! ♥

archives

  • August 2009
  • September 2009
  • October 2009
  • November 2009
  • December 2009
  • January 2010
  • February 2010
  • March 2010