<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head> <body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d8805407178285977296\x26blogName\x3dLIVE.LOVE.LAUGH\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://isangad1kgurl.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://isangad1kgurl.blogspot.com/\x26vt\x3d8003630124438292174', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Thursday, August 27, 2009

Ang Araw na 'to ay Araw mo...


PHILIPPINES VACATION 2009

"Ang araw na 'to ay araw mo, pagdating mo sa ating mundo. Natatandaan, hindi malilimutan. I wish you a happy birthday, happy birthday..."


Para ito sa pinakamamahal kong lola sa buong mundo. Si Mama Josefina Alejado-Sarabia.


HAPPY 78TH BIRTHDAY MA! I WISH YOU THAT GOD WILL CONTINUE SHOWERING YOU ALL THE BLESSINGS YOU NEED. I ALSO WISH YOU GOOD HEALTH ALWAYS. I THANK YOU FOR CARING ME SINCE I WAS BORN UP TO NOW. THANK YOU FOR ALWAYS BEING THERE FOR ME & SUPPORTING ME ALL THESE YEARS. I WILL ALWAYS CHERISH EVERY SECOND WHEN I WAS STAYING IN THE PHILIPPINES WITH YOU. I APPRECIATE ALL THE HARD WORK YOU DID FOR ME. THANK YOU SO MUCH. I HOPE YOU HAD A VERY NICE & BONGGA BIRTHDAY TODAY. I LOVE YOU SO MUCH MA & HAPPY BIRTHDAY.

I MISS YOU.

WITH MUCH LOVE & CARE,

JOYCE
0 na-adik

posted @ 1:57 PM


MAGPAKUMBABA KA!


Kahapon ay miyerkules dito sa Canada. Kada miyerkules, kami ng pamilya ko ay pumupunta ng OLGC (Our Lady of Good Counsel) para magsimba. Kinasanayan na kasi namin na magsimba at makinig sa mensahe ng Panginoon kapag Miyerkules at Linggo.

Simula nung pinanganak ako dito sa mundo, marami na akong nasaksihang iba't ibang ugali ng tao. Isa na dun ay ang pagpapakumbaba sa kapwa. Sa panahon ngayon, bihira na lang din ang mga taong nagpapakumbaba sa kapwa nila dahil meron na rin tayong ugali na tinatawag nating PRIDE. Kahit sino naman siguro sa atin may ganun, PRIDE. Pero ang iba talaga saksakan na talaga ng pride na hindi na nila magawang ibaba ang sarili nila kaya kahit ano pang matinong trabaho, paaralan o lugar sila pumasok at pumunta kapag ang pride nila ang bumida sigurado gulo ang aabutin nila.

Ang punto ko lang naman dito ay, dapat marunong tayong magpakumbaba sa kapwa natin lalo na't pare pareho lang naman tayong mga tao at anak ng Diyos. Sabi nga kahapon sa misa, "God came down from heaven all the way here to earth just to be one of us". Ibig sabihin, nagpakumbaba ang Diyos para sa atin. Hindi siya nagmatigas at hindi niya rin inisip ang antas niya. Pero ang ibang tao, grabeh kung magmatigas! Wala silang pakialam kung ang iba eh mas mababa pa sa kanila. Mas gusto pa nga nila na walang makakapantay sakanila eh. Kaya minsan hindi ko sila masisisi kung may mangyari sakanilang masama dahil sa pride nila. Yun din siguro ang kinadatnan ng sobrang kain ng pride at hindi na nilunok para sa iba. May araw din sigurong hinanda ang Panginoon para sa leksyon ng mga taong ma-pride. Alam ko naman lahat ng tao madaling matuto pero hindi lang nila ginagamit ang natutunan nila lalo na sa mga mensahe ng Panginoon sakanila.

Para sa akin hindi naman masamang magkaroon ka ng pride kesa naman sa wala diba, para ka na ring walang dignidad na pinoprotektahan pag ganun. Pero ang importante kahit may pride ka marunong ka paring mamahagi ng kabaitan mo at pagpapakumbaba mo sa ibang tao. Mas maganda na yong ganun kesa naman sa lahat ng tao plastik na kung umarte sa'yo dahil sa ugali mo at sa pride mo. Magpakumbaba ka naman paminsan minsan, baka sakali matuwa pa ang mga tao sa ipinapakita mo na busilak pala puso mo kahit ma-pride ka.

Kailangan ko lang talagang i-blog to kasi ang ganda talaga ng mensahe na to para sa ating lahat. Isa na rin sa natutunan ko eh kapag nakikinig ka lang talaga ng mabuti sa pare may mapupulut ka talaga. Noong isang linggo kasi ang haba ng leksyon nya parang inulit lang yong 1st gospel at homily eh. Sobrang seryoso pa ng fez niya kaya yun tuloy wala akong natutunan sakaniya. Parang skwela lang, pag panget magturo ang titser wala ka rin makukuha sakanya. Pero ok na rin yun at least ngayon may natutunan na ulit ako ngayong nakabalik na ako sa Surrey. :D
Hayy ang sarap mabuhay!

Labels:

0 na-adik

posted @ 1:07 PM


Wednesday, August 26, 2009

Kulang lang ang SORRY... alam ko.


Para sakin kulang lang ang manghingi ng tawad sa lahat ng pagkukulang, kasalanan at pagpapabaya sa mga taong minamahal mo o sa mga kaibigan mo. Mahirap din mangako sapagkat sabi nila, lahat ng pangako napapako. Walang kasiguraduhan kung matutupad o hindi.

Ang hirap talaga kapag hindi mo na nakakasama mga kaibigan mo lalo na ngayon at summer time. Dapat nga diba magpapakasaya tayo kasama sila kasi kapag oras na ng pasukan, bihira na lang din maghahang-out. Sana ganyan yong mga ginawa ko nitong mga nakaraang linggo. Pero hindi eh, kabaliktaran ang nangyari sakin. Mabibilang lang siguro ang mga araw na lumabas ako kasama mga kaibigan ko. Simula nung nag-graduate ako ng hayskul, akala ko pwede ko ng gawin lahat ng pwedeng gawin ko. Pero lahat ng yun puro akala lang pala. Walang nangyari sakin kundi magtambay at kumain sa bahay. Kaya nga bansag ko sa sarili ko eh “Tambay Gurl”. Nakakapagod na tong mga ginagawa ko. Pero kailangan eh kasi gusto nila(mga magulang ko). Oo, sinasabi nila para sa ikabubuti ko ‘to dahil gusto nila na healthy ako kapag dumating na yong araw ng operasyon ko. Oo, yun yung moment na sinasabi ko. Magkakaroon ako ng isang major surgery sa Agosto 28. At 4 na araw na lang ang natitira bago mangyari yun.

Puspusan akong naghahanda sa operasyon na ito dahil eto ang magbabago sa takbo ng buhay ko. Hindi na ako makapaghintay na matapos to at makapagrecover ng maayos. Kaya ngayon, humihingi ako ng maraming maraming sorry sa mga kaibigan ko dahil hindi na ako nakakasama sa mga imbitasyon ninyo sa akin. Sinubukan ko talagang magpaalam sakanila pero sila ang matigas at wala na akong magagawa pa dun. Sana maintindihan niyo ako kung hindi ako sumasama sa inyo. Baka kasi akala niyo hindi ko na kayo gusto makasama eh. Sana intindihin niyo na lang kahit “unfair” minsan sa side niyo. Pero kahit kailan hindi ko kayo nawala sa isip at puso ko (naks!). Nangangati nga mga paa ko sa tuwing nalalaman kong may mga lakad kayo sa Downtown o CGP. Gustong gusto kong sumama, gustong gusto kong gawin ang mga ginagawa niyo. Hindi naman sa pinagbabawalan na akong lumabas habang buhay, hindi lang talaga pwede sa ngayon. Kaya uulitin ko, SORRY ng marami sa lahat. Mabilis lang ang isang taon, sa isang iglap maka-recover na ako at makakahang-out na rin ako sa inyo sa wakas. Hayaan niyo di ko puputulin ang komunikasyon ko sa inyo. May Plurk, Friendster, Facebook at YM pa naman diba?

Kung may problema kayo pwede niyong ibahagi sa akin kung gusto niyo lalo na’t pasukan na at I’m sure dadami at lalaki pa ang grupo natin. Ipakilala niyo ako sa mga bago niyong kaibigan sa skwela ha. Lahat ng ito, posibleng gawin at ikatutuwa ko pa. Sa mga mag-aaral pa sa N-DUB, sulitin niyo na baka mamiss niyo pag nawala na kayo sa skul na yan (nakakamiss din pala ang mga hallways at guro sa skwelahan na yan, nakakamiss na rin mag-aral). Goodluck din sa mga gagraduate sa 2010, galingan niyo at wag kayong mag-alala dadalo ako sa graduation niyo, sa mga oras na yon eh magaling na ako. Pramis yan! Sa mga kabatch ko, galingan natin sa kolehiyo ha, make our parents proud at sa wakas may “COLLEGE LIFE” album na tayong ipopost sa Friendster account natin. LOL.

Sa lahat ng mga kaibigan at barkada ko, walang iwanan mga brad at sis. Tuloy-tuloy lang ang samahan. Salamat sa lahat-lahat. Mahal na mahal ko kayo. Bisitahin nyo ko ha and I will be very honoured to open the door for you kahit naka-crotches pa ako. LOOL. para sa inyo…

O cge na, grabeng emote na to, bongga na masyado! HOPE YOU HAD A GREAT SUMMER GUYS!

PAGPALAIN KAYO!

LOVE,

JOYST

Labels:

0 na-adik

posted @ 3:44 PM


COUNTDOWN.. to the MOMENT!


Parang sumasabog na dibdib… kinakabahan.. excited.. masaya.. di mapakali.. di nakakatulog ng maayos.. maraming sumasagi sa utak atbp.. yan ang mga nangyayari sakin ngayon. Alam niyo kung bakit? Kasi malapit na yung moment ko. Moment? YES! moment na magbabago sa buhay ko forever. I can’t wait!

Pag nangyari na yung bonggang bonggang moment ko na yun, marami ng mangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano pero haharapin ko ng buong tapang at may paninindigan. Kagabi nga ang dami kong pinaplano na mga bagay bagay pag nangyari na yung moment na yun. Hindi talaga ako mapakali sa tuwa, sa kaba. Siguro lahat na ng emosyon na pwede kong madama sa mga oras na to eh nadama ko na dahil sa moment na to. Pag naging successful ang moment na to hinding hindi ako magsisisi na muli ko na namang ginawa to.

Siguro nga masasabi kong nabigo ako ng dalawang beses. Masasabi ko rin na wala pa akong masyadong pake sa mga nangyaring moment ko na sana dati pa dahil bata pa ang pag-iisip ko at masyadong maselan para sakin ang pag-usapan ang mga bagay na yon. Pero aware ako sa mga ginagawang “examination” sakin. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil natiis ko ang sakit na naranasan ko noong mga taona yon at nalampasan ko rin ang malaking kaganapan sa buhay ko; yun ay ang life & death situation.

Ngayong Aug. 28th 2009, tatahak na naman ako sa malaking moment ng buhay ko. At sana eto na ang huling tatahakin ng buhay ko na magiging isang malaking pagsubok para sakin. Pero may malaki akong tiwala sa Panginoong Diyos, alam kong hindi niya ako pababayaan sa araw na yon.

Dito na lang muna. May mahaba pa akong ipopost eh. Ingat.

Pagpalain kayo!

Joyst

Labels:

0 na-adik

posted @ 3:43 PM


Marpakeen day!


9AM na! Gising na ako sa mga oras na yan. Maaga pa yan para sa mga tao dito sa Canada, para silang hindi tao eh noh? Basta! Inayos ko ang kama ko, lumabas ako sa kwarto ko. Pumunta ako sa sala para i-check kung nag-iwan ba sila ng pera para sa pamasahe ko. Ang pfuckenings naman oh! Wala! Wala akong nakitang pera sa mesa. Edi nainis ako! Ano pa bang ibang mararamdaman ko sa mga oras na yon? Iniisip ko, kung hindi ako makakalabas ng bahay ngayon, ganun na naman ang buhay ko dito sa loob ng bahay, puro internet at kompyuter na lang. Siguro iniisip nio : “Diba gusto mo naman ganyan araw-araw?” Oo, tama kayo, pero masakit na likod at pwet ko. Kayo kaya umupo ng mahigit walong oras sa upuan at walang ibang ginawa kundi mag komputer? Ouch diba? Kaya eto ako ngayon, nagbablog. Binubuhos ko lahat ng nararamdaman ko ngayon dahil sa hindi ako pinayagang lumabas. Nagrerebelde? Oo, sa loob ko lang. Hindi ko rin kasi kayang mainis sa harap nila eh kasi talo naman ako. MAKAPANGYARIHAN kaya sila!

Eto pa, sinasabi ng kapatid ko na buksan ko daw yung blinds sa sala kasi mainit at madilim sa loob. Sabi ko naman, ayokong buksan kasi malungkot ako ngayon, ayokong makita ang sikat ng araw sa araw na ‘to. Nakakadepress. Shett. Kaya nagdesisyon ako na hindi ko bubuksan ang blinds ng bintana namin sa sala hanggang wala pa ako sa mood. Magkokomputer na naman ako hanggang mamayang hapon. Pero ok na rin, mas marami akong gagawin ngayon, may bumabaga kasi sakin ngayon. Ano yon? Maya ko na i-chorba sa inyo. Sayanga hindi ako nakasama sa mga kaibigan ko ngayon. Ang saya pa naman ng ginagawa nila ngayon, halos lahat sila nandun. Nagpapakasaya at lumalangoy sa tubig ng swimming pool. Ang saya diba? Samantalang ako, andito sa bahay nagmumukmok sa kompyuter! Shett talaga! Ang boring! Pero di bale mga friendsters ko, babawi ako sa inyo sa linggo. Diba bertday ni kulots, kaya pupunta ako. Don’t you worry! :D Yan na lang ang huling araw na makakasama ko kayo bago kayo pumasok sa Setyembre. Nakakainggit kayo, gusto ko na din tuloy mag-aral. :(
Basta, babawi na lang ako sa inyo. Babalik na lang ulit ako dito sa mundo ng blog sa cyberspace pag may naisip na ulit ako. Jan ka na! Che! Joke joke joke! Ingat kayo! :)

Labels:

0 na-adik

posted @ 3:42 PM


Ano bang meron sa internet?


Simula nung nag graduate ako ng hayskul, nagsisimula akong magkomputer pagkagising na pagkagising ko sa umaga. Imagine, wala pang hilamos yan, di pa kumakain ng agahan, wala talaga! Para ngang may routine na ako sa buhay ko simula nung nag graduate ako ng hayskul. Sa tingin ko nga tatlo hanggang apat lang ang ginagawa ko araw araw sa buhay ko. Una, mag-internet, pangalawa, kumain, pangatlo, matulog, pang-apat, mag-internet. Teka, parang nabanggit ko na yun ah?! Nabanggit ko na talaga yon, kasi ADIK ako sa internet!

Kapag nagsisimula na akong magbukas ng kompyuter ko hindi na ako mapipigilan pa. May breyk time din naman ako kapag kumakain ako o di kaya nauuhaw. Aaminin ko wala talaga akong ginawa buong summer ko kundi mag internet ng mag internet. Ano ba kasi talaga ang meron sa internet at naaadik ang mga tao? Ewan ko, basta ako nag-eenjoy ako sa ginagawa ko.

Ang sarap kasi mag-internet eh. Lahat ng impormasyon na kailangan mong malaman, nasa internet na. Kaya naman kung ano-ano na ang mga lumalabas sa tv o pahayagan tungkol sa mga nangyayari sa internet. Delekado,oo, kung ikaw mismo walang kontrol sa sarili mo. Sa ngayon, hindi pa naman ako nabibiktima ng pag-gamit ko sa internet pero kelan man hindi ko hahayaan na mabiktima ako ng kahit ano o sino man sa internet.

Gumagamit ako ng internet kasi bored ako. Wala kasing ibang magawa sa bahay eh. Ayoko rin manuod ng tv sa umaga, ewan ko ba kung bakit. Ginagamit ko rin ang internet sa kadahilanang ito ang paraan para may komunikasyon kayo sa mga minamahal niyo sa buhay. Tulad ko na malayo sa pamilya ko, ginagamit ko ang internet para makausap sila kahit sa ganitong paraan lang. Uber use na kasi yung snail mail eh. Ang bagal pa! May Yahoo Mail na hello??

Kaya laking pasalamat ko sa nag-imbento ng internet. Laking tulong kayo sa mga taong kagaya ko na walang ibang magawa sa buhay kundi maadik sa maliit na skrin sa komputer na tinatawag nilang WINDOW! Sabi nga nila, “I just can’t get enough!”

Labels:

0 na-adik

posted @ 3:41 PM


ano ang kaibahan ng LIKE sa LOVE?


Ano ba talaga ang kaibahan ng LIKE sa LOVE? Hindi na bago sa pandinig natin ang tanong na ito. Lahat ng tao na nadanasan ng magmahal o magkagusto sa isang tao eto ang unang tanong. Minsan kasi hindi tayo sigurado sa mga nararamdaman natin. Ang tao kasi sigurista yan pagdating sa mga bagay na ganito. Ang pagmamahal kasi ang pinaka-importanteng bagay para sa isang tao. Kung walang pagmamahal walang kwenta ang buhay. Maraming naidudulot sa atin ang pagmamahal na yan. Pag nagmamahal ka, nagiging masaya ka, malungkot, galit, naguguluhan at kung ano pang emosyon yan. Ganun ka lakas ang kapangyarihan ng pagmamahal.
Ngayon, balik sa tanong. Kung ako ang tatanungin kung ano ang kaibahan ng LIKE sa LOVE, ito lang ang masasabi ko. Ang LIKE ay ang paghanga o pagkagusto sa isang tao o bagay na nakikita mo. Halimbawa, Like mo ang lalaki/babaeng to dahil cute siyang ngumiti pero hindi ibig sabihin nun LOVE mo siya. Madali lang din sabihin ang "I LIKE YOU" kesa "I LOVE YOU". Marami kasing pwedeng idahilan pag sinabi mo sa taong gusto mo na I LIKE YOU eh. Halimbawa na naman, "I like you because you're nice..You're caring.." Sinasabi ko lang naman na puro katangi-an lang niya ang gusto mo hindi buong pagkatao niya. Pagsinabi mo namang I LOVE YOU, ibig sabihin nun minamahal mo siya, nararamdaman mo yun at sigurado ka.

According to what I searched in google about the differences of these two words they came up with the following explainations:

"To "like" someone is considered of the moment and dependent upon the whims of the person or situation. Should you stop liking that person, there doesn’t have to be a big deal over it. The person who is no longer liked can ask why but the person who has stopped liking that person can explain it away with something ambiguous such as “people change.”"

"To "love" someone is considered a state of being, a permanent way of interaction with that person and obligation to them in the future. Should you stop loving that person, they have a right to know why. You will have to have very good reason to stop loving someone.

Because of that permanency and obligation placed on the person who loves, it is considered a stronger, deeper sentiment. It can definitely be more passionate and furious than "like." It's definitely stronger. However, a wild romantic engagement with someone (which someone would use the words "passionate" and "furious" to describe) may have absolutely nothing to do with "love.""

Ayan! Ang hirap talagang sagutin ang tanong nato. Na pati din ako hindi ko mapaliwanag ng husto ang kaibahan sa GUSTO at MAHAL. Basta eto lang ang masasabi ko. Kung ano yung nararamdaman niyo sundin niyo. Take risks, baka sa bandang huli it will work out just fine. And all the risks will be worthit. AT, tandaan, wag matakot sa mga balak mong gawin sa buhay mo lalo na pag nagmamahal ka. Subukan mo lahat ng pwedeng subukan kung ayaw mong magsisi ka sa huli. Tanggapin mo lahat ng sasabihin ng taong gusto o mahal mo. Sabi nga nila, "You'll learn from experiences". Wala namang mawawala sayo kung susubukan mo diba? Kung kailangan mo ng lakas ng loob, ask you're friends or family they always have the best answers and they might have the answer to your questions. Sa lahat ng katanungan natin sa buhay pag-ibig natin, tayo lang din ang makapagbibigay ng kasagutan. Hawak natin ang buhay natin hindi ang ibang tao. Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin hindi sila.

Para sa tanong nato, wala namang tama o mali na sagot eh. Nasa sayo lang talaga yun kung paniniwalaan mo o gagawa ka ng sarili mong sagot. It's all about you and you're love life. Period!

Credits to: Fermi --A nerd from Mainland Chinan :)

Labels:

0 na-adik

posted @ 3:39 PM


KATAGAL!


HINDI NGA?? GANITO BA TALAGA KATAGAL MAG-IMPORT NG BLOG POST FROM ONE WEBSITE TO ANOTHER?? GAAHH! HINDI NA AKO MAKAPAGHINTAY EVURR! COPY PASTE KO NA LANG SIGURO. GUSTO KO LANG IPOST TO KASI WALA NA AKONG MASABI. KANINA PA AKO NAGIIMPORT, HANGGANG NGAYON, NAG-IIMPORT PA DIN. GUSTO KO NA MATULOG. HINDI PA NATATAPOS TONG IMPORTING EK-EK NA TO! HAYSS.. ANYWAYS, I HAVE TO GO NOW. I NEED TO SLEEP. LEAVE A MESSAGE/COMMENTS/SUGGESTIONS. DON'T FORGET MY C-BOX. THANKS!

PAGPALAIN KAYO!

AD1K GURL A.K.A JOYST

Labels:

0 na-adik

posted @ 3:32 PM


SINO AKO??


AKO ANG ADIK GURL NA HINDI NAMAN TALAGA ADIK. (HUH?)

OO, HINDI TALAGA AKO ADIK EMO LANG! DI JOKE LANG YUN..

AKO SI JOYCE MARIE LOMARDA SARABIA, A.K.A AD1K GURL A.K.A JOYST. ANG DAMING A.K.A NUH? HAHA. KASALUKUYANG TAMBAY SA BAHAY AT WALANG IBANG GINAWA KUNDI KUMAIN, MATULOG, MAGLINIS AT MAGKOMPUTER LANG. MARAMING KABALBALAN SA BUHAY AT KUNG TUTUUSIN AY HINDI NIYO DAPAT TULARAN. KATULAD NG PAGIGING ADIK KO AT PASAWAY NA BATA. PERO AKO YUNG PINAKAPASENSYOSANG TAO NA MAKIKILALA NIYO SA TANANG BUHAY NIYO. TOTOO YAN, MANIWALA KAYO! ;)

AKO AY ISANG COLLEGE STUDENT NA SANA PERO PINILI KO MUNA MAGING TAMBAY NG ISANG TAON. WALA LANG TRIP KO LANG. ANG LAKAS NG TRIP NUH? KAYA NGA WAG TULARAN DIBA. PAGSISISIHAN NIYO PAG AKO GINAYA NIYO.! HAHA. JOKE LANG. GUSTONG GUSTO KO NA NGA MAG-ARAL EH. PANGARAP KO KASING KUNIN EH COMPUTER SCIENCE LANG NAMAN. COMMON NA KASI MASYADONG YUNG ‘NURSING’ AT SAKA ‘PAG-AARTISTA’! BWHAHAAH. GUSTO KO LANG NAMAN MAIBA AT SAKA PANGARAP KO RIN NAMAN TALAGA MAGING ISANG MAGALING NA PROGRAMMER BALANG ARAW. SA NGAYON, NAGSUSUMIKAP PA AKO PARA ABUTIN YUN. ADIK AKO EH!

CHENES CHENES CHENES!

ANYWHO, AKO ANG PANGANAY SA DALAWANG ANAK NG MAGULANG KO. ANG HIRAP MAGING PANGANAY MINSAN KASI MAGULO. IKAW YUNG UUTUSAN, HINDI KANA BABY SA PANINGIN NG LAHAT, DAPAT MATURE KANA! ABA EWAN KO LANG HA KUNG DI KAPA MAWINDANG SA MGA GANYAN! PERO AYOS LANG DIN AKO NAMAN MAUUNANG YUMAMAN! HAHAHAH.. ECHOS LANG PERO SERYOSO! :P MADRAMA PALA AKO KAYA GO WITH THE FLOW NA LANG KAYO. KAMING MGA ADIK NA TULAD KO, MAY DRAMA DIN YAN SA BUHAY. HINDI LANG PURO HITHIT BUGA ANG ALAM KO! KAILANGAN KO DIN MAGLABAS NG SAMA NG LOOB O DI KAYA MGA KADRAMAHAN LANG.

ANO PA BANG GUSTO NIYONG MALAMAN TUNGKOL SA AKIN? EH ISANG HAMAK NA ADIK LANG NAMAN AKO! CGE JAN NA KAYO! MAYA NA TAYO MAGBASTUSAN ESTE MAG-USAP PALA! MGA KAPATIIDD! ;)

MAHAL KO KAYO! BOW!

PAGPALAIN KAYO! ;)

#1 AD1K GURL NG BOHOL @ CANADA

A.K.A JOYST

Labels:

0 na-adik

posted @ 11:05 AM


welcome

Welcome to adikgurl's blog.
MESSAGE: "LOVE.LOVE.LOVE ♥"
started blogging on the August 2009.

Call Me Ms.Joist

Photobucket I'm adikgurl - my codename for this blog. I'm 18; widowed and have a fantabulous life. I can say that I'm trying to be invincible as I can be to hide all the heartaches in me. Don't judge or you'll be damned! :p
i'm (ad1kgurl)

tagboard



links

PinayPraning
CHKSLG
Mrs. Sairupsa-Navero
Acetylsalicylate
Josan
Korek ka John
Zendel Sayson

credits

skin by: danny
images: JasminGreenTea
pattern: heroine

Music is Love♥





IT's EFFIN' GNARLY! ♥

archives

  • August 2009
  • September 2009
  • October 2009
  • November 2009
  • December 2009
  • January 2010
  • February 2010
  • March 2010