<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head> <body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/8805407178285977296?origin\x3dhttp://isangad1kgurl.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Wednesday, August 26, 2009

Kulang lang ang SORRY... alam ko.


Para sakin kulang lang ang manghingi ng tawad sa lahat ng pagkukulang, kasalanan at pagpapabaya sa mga taong minamahal mo o sa mga kaibigan mo. Mahirap din mangako sapagkat sabi nila, lahat ng pangako napapako. Walang kasiguraduhan kung matutupad o hindi.

Ang hirap talaga kapag hindi mo na nakakasama mga kaibigan mo lalo na ngayon at summer time. Dapat nga diba magpapakasaya tayo kasama sila kasi kapag oras na ng pasukan, bihira na lang din maghahang-out. Sana ganyan yong mga ginawa ko nitong mga nakaraang linggo. Pero hindi eh, kabaliktaran ang nangyari sakin. Mabibilang lang siguro ang mga araw na lumabas ako kasama mga kaibigan ko. Simula nung nag-graduate ako ng hayskul, akala ko pwede ko ng gawin lahat ng pwedeng gawin ko. Pero lahat ng yun puro akala lang pala. Walang nangyari sakin kundi magtambay at kumain sa bahay. Kaya nga bansag ko sa sarili ko eh “Tambay Gurl”. Nakakapagod na tong mga ginagawa ko. Pero kailangan eh kasi gusto nila(mga magulang ko). Oo, sinasabi nila para sa ikabubuti ko ‘to dahil gusto nila na healthy ako kapag dumating na yong araw ng operasyon ko. Oo, yun yung moment na sinasabi ko. Magkakaroon ako ng isang major surgery sa Agosto 28. At 4 na araw na lang ang natitira bago mangyari yun.

Puspusan akong naghahanda sa operasyon na ito dahil eto ang magbabago sa takbo ng buhay ko. Hindi na ako makapaghintay na matapos to at makapagrecover ng maayos. Kaya ngayon, humihingi ako ng maraming maraming sorry sa mga kaibigan ko dahil hindi na ako nakakasama sa mga imbitasyon ninyo sa akin. Sinubukan ko talagang magpaalam sakanila pero sila ang matigas at wala na akong magagawa pa dun. Sana maintindihan niyo ako kung hindi ako sumasama sa inyo. Baka kasi akala niyo hindi ko na kayo gusto makasama eh. Sana intindihin niyo na lang kahit “unfair” minsan sa side niyo. Pero kahit kailan hindi ko kayo nawala sa isip at puso ko (naks!). Nangangati nga mga paa ko sa tuwing nalalaman kong may mga lakad kayo sa Downtown o CGP. Gustong gusto kong sumama, gustong gusto kong gawin ang mga ginagawa niyo. Hindi naman sa pinagbabawalan na akong lumabas habang buhay, hindi lang talaga pwede sa ngayon. Kaya uulitin ko, SORRY ng marami sa lahat. Mabilis lang ang isang taon, sa isang iglap maka-recover na ako at makakahang-out na rin ako sa inyo sa wakas. Hayaan niyo di ko puputulin ang komunikasyon ko sa inyo. May Plurk, Friendster, Facebook at YM pa naman diba?

Kung may problema kayo pwede niyong ibahagi sa akin kung gusto niyo lalo na’t pasukan na at I’m sure dadami at lalaki pa ang grupo natin. Ipakilala niyo ako sa mga bago niyong kaibigan sa skwela ha. Lahat ng ito, posibleng gawin at ikatutuwa ko pa. Sa mga mag-aaral pa sa N-DUB, sulitin niyo na baka mamiss niyo pag nawala na kayo sa skul na yan (nakakamiss din pala ang mga hallways at guro sa skwelahan na yan, nakakamiss na rin mag-aral). Goodluck din sa mga gagraduate sa 2010, galingan niyo at wag kayong mag-alala dadalo ako sa graduation niyo, sa mga oras na yon eh magaling na ako. Pramis yan! Sa mga kabatch ko, galingan natin sa kolehiyo ha, make our parents proud at sa wakas may “COLLEGE LIFE” album na tayong ipopost sa Friendster account natin. LOL.

Sa lahat ng mga kaibigan at barkada ko, walang iwanan mga brad at sis. Tuloy-tuloy lang ang samahan. Salamat sa lahat-lahat. Mahal na mahal ko kayo. Bisitahin nyo ko ha and I will be very honoured to open the door for you kahit naka-crotches pa ako. LOOL. para sa inyo…

O cge na, grabeng emote na to, bongga na masyado! HOPE YOU HAD A GREAT SUMMER GUYS!

PAGPALAIN KAYO!

LOVE,

JOYST

Labels:

0 na-adik

posted @ 3:44 PM


welcome

Welcome to adikgurl's blog.
MESSAGE: "LOVE.LOVE.LOVE ♥"
started blogging on the August 2009.

Call Me Ms.Joist

Photobucket I'm adikgurl - my codename for this blog. I'm 18; widowed and have a fantabulous life. I can say that I'm trying to be invincible as I can be to hide all the heartaches in me. Don't judge or you'll be damned! :p
i'm (ad1kgurl)

tagboard



links

PinayPraning
CHKSLG
Mrs. Sairupsa-Navero
Acetylsalicylate
Josan
Korek ka John
Zendel Sayson

credits

skin by: danny
images: JasminGreenTea
pattern: heroine

Music is Love♥





IT's EFFIN' GNARLY! ♥

archives

  • August 2009
  • September 2009
  • October 2009
  • November 2009
  • December 2009
  • January 2010
  • February 2010
  • March 2010