Tuesday, September 29, 2009
Bagyong Ondoy:
Habang nagbubukas ako ng website kanina para manuod ng balita tungkol sa Pilipinas, laking gulat at lungkot ang nadama ko sa bumulantang sa mga mata ko. Ang bumulantang sa akin ay yung kalunoslunos na trahedyang nangyari sa Pilipinas noong Sabado. Isang bagyo ang nag stop over sa Pilipinas at muli na namang nanira ng buhay ng tao. Grabeh ang nangyayari ngayon sa Pilipinas, hindi ko lubos maisip na sa dinami dami ng lugar na pwedeng pag stop overan eh sa Pilipinas pa! Kita na nga naghihirap na ang mga tao doon, lalo pang pinahiram ng bagyong Ondoy na ito.
Saan ba natin pwedeng isisi ang lahat ng ito? Hindi natin hawak ang panahon. Magugulantang na lang tayo kapag nangyari na ang mga kinakatakutan natin sa buhay. Sobrang nakakaawa ang mga kababayan ko doon sa Pilipinas. Maraming tao ang nabawian ng buhay dahil sa trahedyang ito. Sobrang nakakagulat ang balitang ito para sa lahat ng Pilipino. Pero ano pa ba ang magagawa natin, nangyari na ang kinakatukang mangyari. Ang tangi lang nating pwedeng gawin ay magdasal sa Panginoon na sana ito na ang huling malagim na trahedyang mangyari sa Pilipinas at sana hindi rin ito mangyari sa ibang bansa.
Sana sa bandang huli, muling babangon ang mga nasira ang buhay dahil sa bagyong to. Mabigyan sana sila ng lakas ng loob na lumaban sa kahit anong trahedya na darating. Walang imposible sa Panginoon, magdasal ka lang, siguradong safe ka sa mga kamay niya.
*Let us pray for the Philippine people.
0 na-adik
posted @ 2:46 PM