Tuesday, September 29, 2009
I'm Crazy For You.
Pakshyets!
Andito na naman ako, hindi
ADIK pero BALIW! Baliw na naman ako dahil sa isang taong nagpapabaliw sa akin. Itago na lang natin siya sa pangalang Tisoy kasi tisoy siya. Haha. Si Tisoy, unang kita mo pa lang sakanya tunaw kana. Kung pisikal na anyo lang ang pagbabasihan ko, anjan na sakanya lahat: Gwapo, matangkad, kumpleto ang ngipin, maputi, magaling pumorma at tao siya! Sayang lang kasi hindi kami nagpapansinan dati. Feeling ko ang dami ko ng oras na pwedeng kasama siya pero nasayang lang. Ngayon na magkalapit na mundo namin, hindi ko na sasayangin ang panahon na makakasama ko siya.
Alam niyo ba yung pakiramdam na gusto mo siya, feeling mo rin na gusto ka rin niya kasi nararamdaman mo naman pero in denial kayo sa mga nararamdaman niyo para sa isa't isa? Diba ang panget? Nakakadagdag pimples sa mukha sa kakaisip tuwing gabi kung may nararamdaman din ba siya sakin. Ang hirap lang kasi hindi ko siya nakikita ngayon, kaya nga laki ng panghinayang ko ngayon kasi marami kaming oras dati pero wala man lang nag-effort ni isa samin na lapitan ang isa. Sana lang malapit ako sakanya para maipakita ko sakanya kung gaano ko siya kagusto, hindi lang sa tisoy siya pero sa kakaibang dating niya sa akin. Nakuha niya ang atensyon ko ng isang
SNAP!
Naalala ko pa nga noong nakita ko siya 2 months ago, sabi niya,
"nakuha mo atensyon ko sa mga ngiti mo. pang close up commerical kasi.." Agurugudoyyy! Muli na naman ako nakatikim ng kilig at i mean kilig to the highest level, na lampas bubong na! Hindi ko akalaing sasabihin niya yon sakin. Isang gabi nagtext siya sa akin, gulat epek naman ako kasi biglang nagtext c tisoy diba. Eto sabi niya sa text..
"Kung magkita ulit tayo, pwede bang ngumiti ka ulit sa akin, gusto ko ulitin mo yung ngiti mo na nakakuha ng atensyon ko.." Ako naman tong lokaret, hindi na nagpakipot ng konti. Nagreply naman ako,
"cge bah! hahah.." Hindi, hindi ganun reply ko, dahil hindi ako nagreply. Alam niyo kung bakit? Kasi noong nagkita ulit kami, ginawa ko yun at muli ko na naman nakuha atensyon niya sa pang Close Up commercial smile ko. Chenes!
Sa ngayon, in denial ako at feeling ko rin in denial siya. Ayokong mag assume kasi masakit pag di nagkatotoo. Libre naman maging feelingera minsan diba? Maghihintay na lang ako sa muli naming pagkikita ni Tisoy, at sa muli naming pagkikita sana
KAMI na! Hahahaha.. joke lang. Pasensyosa naman ako na pagkababae eh, kaya kong hintayin ang araw na yun at ipadama sakanya tunay kong nararamdaman.
"You're so close but still a world away..What i'm dying to say is that i'm crazy for you.. touch me once and you'll know it's true.."
2 na-adik
posted @ 3:37 PM