Tuesday, October 27, 2009
Lost & Found
Kaloka ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. May madalas na akong kausap na bago ko lang nakilala. Nakakasundo ko siya sa halos lahat ng trip sa buhay. At habang nakikilala ko siya, lalo lang akong nagkakagusto sakanya. Ibig kong sabihin
CRUSH lang. Kayo naman. Siyempre, hindi talaga maiiwasan yun. Kasi naman si Tisoy, di na masyadong nagpaparamdam! Ewan ko ba dun, di na niya ata ako namimiss. Haha Feelerrr! Kaya may reserba ako siyempre. Hindi lang mga lalaki ang may reserba nuh, pati mga babae din. Kaya go ako! :p
Madali lang kasi ako naaattract sa mga taong nakakasundo ko sa halos lahat ng trip ko sa buhay. Walang problema kasi pag nagkakasundo kayo. Hala, tawa dito, tawa doon. Ganun kaming dalawa. Ay, nakalimutan ko, wala pa pala akong alyas sa kanya. Hmm.. ano kaya magandang alyas sakanya. Siguro si Mr.CDO na lang muna. Hindi siya model ng karne norte o kung anong sardinas man yan ha. Mr. CDO kasi galing siya Cagayan De Oro. Oh dba? Bongga?! Hahah. Pero papalitan ko din yan pag makaisip na ako ng bagong name.
Iba ka kasi Mr. CDO, pamatay ang ngiti mo at ang cute ng mga mata mo. Ngayon lang ako nakakita ng mga matang ganyan kaganda. Hayss. parang may sinasabi daw sabi nung bffs kong si Atina. Hahah.. Message ko sau, sana stay the same ka lang. U make my day ng bonggang bongga. Na Lost & Found ako sayo. Haha. ang gulo pero ganun talaga. Siguro nga ang liit ng mundo para sa ating dalawa kasi somehow, we got connected. Ayoko ng mag-explain, comment na lang kayo. Haha.. Basta yun na yun ha. Sa susunod na naman nating pag-uusap
DUDES. Ingat ka sa pagwoworkout mo. Hahah.. :p
0 na-adik
posted @ 6:03 PM