Monday, October 5, 2009
Soon to be 18.
Exactly 69 days from now and it's my 18th birthday!
" Wow! It's your 18th birthday. In most parts of the world, you are now regarded as an adult. Flaunt your driving license, and exercise your right to vote. But, as Peter Parker said in Spiderman, "With great power comes great responsibility." So exercise your freedom with maturity. "
Totoo nga talaga na ang bilis ng takbo ng panahon. Feeling ko nga hindi na tumatakbo eh, nagkokotse na siya ngayon sa hi-tech na ng henerasyon natin ngayon. LOL.
Ang saya saya ko kasi malapit na akong maging LEGAL. Hindi ko iniisip na tumatanda na ako kasi doon naman talaga tayo lahat papunta. Ang iniisip ko na lang ay yung mga darating pa na mga biyaya na ibibigay sakin ng Diyos at yung mga pagsubok na haharapin ko kapag ako'y isang ganap na na dalaga. Na sana lahat ng yon magagamit ko para mas lumawak ang kaalaman ko sa lahat ng bagay dito sa mundo. Kahit walang malaking debut party ayos lang basta 18 na ako. Hindi naman mababago edad ko kung may party o wala diba? Ang weird ko nga eh kasi ang gusto kong "debut" party is when I turn 19. Kasi ganito yun. Kapag 19 kana, eto na yung huling taon mo na nasa teenage stage ka. Kasi pag 20 kana, hindi na pwedeng 20-teen. Wag kana mag-isip na magiging dalaga/binata ka na lang habang buhay. Para sakin, mas maganda yung tumatanda ka at marami kang pang matututunan sa iyong sarili, mas marami kapang madidiskubre tungkol sa mga tao at bagay na nasa paligid mo.
Kapag 18 kana, mas marami kang responsibilidad. Dito kana magsisimulang maging independent. Kaya nga iyong last post ko, ang ibig kong sabihin ay yung maging independent ako kahit simulan ko sa pagdedecide kung saan ko gustong mag-aral. Wala naman sigurong masama kung susubukan diba? Ang pinaka gusto ko talagang ugali ko ay yung sobra akong positibo sa mga nangyari, nagyayari, at mangyayari sa buhay ko. At yun na siguro ang hindi ko babaguhin sa sarili ko kapag 18 na ako. Mahirap na kapag hindi ka open-minded at positive, walang mangyayari sayo kapag puro negative ang iniisip mo. Wag ganun!
Hay.. excited na talaga ako sa kung anong pwedeng mangyari sa buhay ko kapag 18 na ako. Sabi nga nila wala ng bawal! Hahah. Ang saya nga talaga kapag 18 kana. Pero syempre disiplina at limitasyon ang kailangan para walang masyadong problema sa buhay mo. Kailangan ko din maging masaya kahit paminsan minsan nuh? Hirap kaya magkapimpols at magkawrinkles pag 18 ka palang! Grabhe parang lochang na itsura ko niyan! Eww! Ahhaha. Oh well papel, let's see what will happen after 69 days of waiting. I'm sure it would be a life-changing experience. Wow! I'm finally 18.
2 na-adik
posted @ 3:50 PM