Saturday, October 31, 2009
Trick or Treat!?
HAPPY HALLOWEEN WORLD!
Ito ang araw na ipinagdiriwang ng buong
mundo bilang pag-alala sa mga pamilyang
sumakabilang buhay na. Sa Pilipinas, tinatawag nila itong UNDAS. Pumupunta ang mga tao sa simenteryo para dalawin ang mga puntod ng mga mahal nila sa buhay. Sa ibang bansa naman, katulad ng Canada at Amerika, ipinagdiriwang nila ang Halloween sa pamamagitan ng pagtitrick or treat sa ibang bahay. Nasubukan ko ng mag trick or treat. Masaya ang mag trick or treat lalo na't kasama mo ang mga kaibigan ko. Maraming kendi at chocolates, makukulay at nakakatakot na mga costumes. Halos dalawang tao na akong nagsecelebrate ng halloween dito sa Canada. Hindi ko pinapalampas itong celebrasyon na ito kasi minsan lang din to sa isang taon katulad ng bertday, pasko, at new year. Ngayong tao lang ata ako makakamiss ng trick or treat. Pero ayos lang next year na lang ulit. Walang limitasyon ang halloween, para sa matatanda at bata to. Basta dahan dahan lang sa kain ng matatamis, kung ayaw niyong yumaman ang mga dentist! Hahahah.. Happy Halloweinerr! :D
0 na-adik
posted @ 5:07 PM