Monday, November 2, 2009
Confuzzle fo shizzle
Kapag hindi kita iniisip, kinakausap o nakikita, hindi magulo ang utak ko. Sobrang payapa, mas payapa pa sa mga namatay. Pero kapag kausap na kita, naiisip ko yung mga naririnig ko sa ibang tao tungkol sa iyo. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Pero eto lang ang pwede kong sabihin at gawin, ipaglalaban ko kung ano ang nakikita ko at napagmasdan ko sayo. Ayokong husgahan ka kasi masama yun. Gusto ko magbigay sayo ng magandang intensyon para ipagpatuloy natin yung nasimulan. Ibang klase yung nararamdaman ko sayo, ang gaan ng loob ko pag kausap ka, pag nakikita kita, hindi ko mapigilan na hindi kita matingnan sa mata. Ngayon, sa mga nangyayari, hindi ko na alam kung sino pa tatanungin ko. Sana wag kang mahiyang ibahagi sa akin yung tungkol sa buhay mo. Bukas naman ako lage para lang makinig sayo. Sana alam mo yun, sana nararamdaman mo na importante ka sa akin. Ang dami nilang sinasabi pero niisa dun ayaw kong maniwala. Gusto ko na sayo mismo manggaling kung ano man yung totoo. Naniniwala ako sayo. At kung ano man ang totoo, tatanggapin ko ng maluwag at baka sa huli, mapagkatiwalaan mo pa ako. Pagbigayan mo lang ako, papatunayan ko sayo. ♥
0 na-adik
posted @ 6:59 PM