Tuesday, November 3, 2009
Unending Happiness
"It's amazing how one little conversation can change things forever."
Ang lakas ng kabog ng puso ko kagabi noong tinanong mo ako tungkol sa issue na kinauugnayan mo. Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung ano sasabihin ko para hindi ka magulat, o magalit o maloka. Halos mawindang na ako sa kakaisip kung paano ko ipapaliwanag sayo ng mabuti at para maintindihan mo rin ang gusto kong ipaliwanag sayo.
Naglakas loob na lang talaga ako na sabihin sayo ang mga dapat mong malaman. Sa tingin ko naman, tama na lang din yung naging desisyon ko na sabihin sayo ang totoo, kasi kung makikita kita sa susunod, baka hindi kita matignan sa mata. Ayokong maglihim sayo kasi sa tingin ko tama lang din na malaman mo ang totoo.
Noong unti-unti ko ng binubulgar sayo ang nalalaman ko, tinatakpan ko ang mukha ko, sinasampal ko ang sarili ko, kasi nagdadalawang isip ako kung ano kaya ang magiging reaksyon mo, o kung tama ba yung mga sinabi ko, kasi alam ko dirediretso na lang ako sa pagtatype ng message sayo. Ang tagal mo magreply! Hindi ko alam kung ano nangyayari sayo at kung anong reaksyon mo sa mga nasabi ko. Yun pala nagtatype ka lang ng napakahabang eksplinasyon para sa akin. Wheew! Kala ko na kung ano.
Salamat kasi tinaggap mo yun ng buo. Hindi ka nagpakita sa akin ng galit o kung ano mang hindi maganda dahil doon sa naikwento ko sayo. Hanga ako sayo kasi ang tibay mo. Sabi mo nga,
"Talks,rumors, won't bring me down. Haha." nasabayan mo pa talaga ng tawa. Kung ako nasa kalagayan mo, magagalit siguro ako at nagsisisi kung bakit nabuhay pa ako sa mundong puno ng kasinungalingan at kung anong haka-haka tungkol sa akin. Hindi ko siguro matatanggap yon. Pero ikaw, dedma mo lang kung ano ang mga narinig mo,wala ka na lang pakialam kasi mas alam mo naman ang sarili mo kesa sakanila.
Bilang kaibigan, suporta ako sayo. Kahit hindi ka matanggap ng ibang tao kung sino ka talaga, ako tanggap kita. Kahit husgahan ka man nila, ako hindi ko gagawin yun. Nagpapakatotoo lang ako sayo kasi ayokong isipin mo na kabilang lang din pala ako sa mga taong nanghusga sayo,
fake. Tama ka nga siguro,
"[they haven't] reached the stage of maturity at early age." kaya siguro ganyan na lang sila kung makaisip ng maling bintang sayo.
Basta, dudes, feel free to share lang sa akin at alam ko sabi mo,
"Yes.I will.Hehe", naniniwala ako sayo. Kahit talikuran ka ng lahat, ako, nasa tabi mo lang magsasabing,
"dudes, anong problema? Sila na naman ba? Ok lang yan,dito naman ako eh. Never kitang iiwan." Sabay kindat! Whahaha.. Ok, mejo over na talaga sa emosyon ang entry ko na 'to, di ako sanay. Kaya, lilisan na ako. Byeee! :)
*Txt u l8r bai! Get well soon.* :)
2 na-adik
posted @ 3:17 PM