Thursday, November 5, 2009
Makuha ka sa tingin! *wink!
Nilakihan ko talaga yung picture ni fafa Johan ng PBB Double Up para makita niyo kung gaano ka-charming ang Cutie Server ng QC. Proud ako sa kanya kasi nakikipagbiruan na siya sa mga kasama niya sa house, hindi katulad dati na hindi masyadong nagsasalita, tahimik. Kitang kita naman sa mga ngiti niya sa compilation ko ng mga litrato niya na ang saya-saya niya kahit wala yung crush niya na si Cathy kasi pinadala sa Finland.
Sobra akong na-attract kay fafa Johan. Simula pa lang ng unang araw ng pagpapakilala sakanila, napansin ko na kaagad siya dahil sa kagwapuhan at asal niya. Hindi naman pala nakakagulat na maraming bading ang nagkakandarapa sakaniya bago siya pumasok ng bahay ni Kuya eh. Siya na ang bago kong celebrity crush sa ABS-CBN kasunod kay Gerald Anderson at Coco Martin. Hahaha. JOHAN FOREVER ako! Sana makita kita sa personal. Bagay pa naman kayo ni Cathy saka para sa akin ang bait mo. :) Pagpatuloy mo lang ang magandang ugali at kacutan na pinapakita mo sa bahay ni Kuya, tutuloy ko pagsuporta sayo! Iloveyou fafa Johan!
P.S. Uyy dudes! Ok lang yan! Hahahha.. celebrity crush lang naman e. :P
0 na-adik
posted @ 2:43 PM