Sunday, November 8, 2009
update.
hi dudes,
Gusto ko malaman mo na hindi muna kita kakausapin ng isang buong linggo. Ewan ko nga ba kung bakit eh. Feeling ko lang kasi, wala ng kwenta tong nararamdaman ko para sayo. Nakakaawa na masyado mga ginagawa ko sa sarili ko sa mata ng ibang tao. Habol dito, habol doon, wala nabang iba? Ampotek nga eh kasi ngayon ko lang napagtanto na kabaliwan na pala to. Wala man lang feedback galing sayo. Ayoko naman sabihin, para na akong hindi babae nun. Kakainis na talaga! Pero ok lang, kaya ko naman na maging kaibigan ka lang eh, kasi alam ko naman yun lang gusto mo. Potek talaga, nagaga ako sayo dudes!
Pero pagkatapos ng isang linggo, iba na ako. Pag sinabi kong iba, iba as in, kaibigan na lang tingin ko sayo, bihira na lang ako magtetxt sayo, hindi n kita masyadong kukulitin at kakausapin. Pero kung ano impression mo sa akin dati, ganun parin, walang magbabago. Grabhe ka naman kasi, di ka nagwawarning jan! Panandaliang nagulo ang utak ko sa kakaisip sayo. Walang araw na hindi ka naiisip. Pero ayos lang, siguro nga kailangan kong madaanan yun para makapulot ng isang aral galing sa experience na yon. At yun ay ang, wag magmadali sa pagmamahal, darating at darating lang yan; dalangan ang paghahanap ng fafabols, baka magaga na naman. O sha, eto na huling entry ko tungkol sayo. Sana naging masaya ka sa mga ginawa mo sa akin. Bow!
Nagmamahal ng walang tigil sayo,
ad1kgurL.<3
P.S. Kaw lang talaga, kahit ayaw ko na. Gets?
0 na-adik
posted @ 8:25 PM