Sunday, December 27, 2009
M . O. M ako!

Nitong mga nagdaang buwan, may mga kaibigan ako na lumalapit sa akin para manghingi ng payo tungkol sa buhay pag-ibig nila. Ang saya kasi inlove sila, ang saya kasi ang haba ng buhok nila, ang saya kasi masaya ang buhay nila. Pero sa kabila ng kasiyahan na nararamdaman nila, nababalot sila ng lungkot at pangamba dahil marami silang mga tanong sa sarili na mismo sila hindi nila masagot.
Kaya naman to the rescue ang inyong lingkod! Hindi naman ako tumatanggi sa mga kaibigan kong to pag humihingi sila ng payo sa akin dahil mabuti naman sila at dapat talaga may gumabay sakanila kahit sa simpleng paraan lang ng pagpapayo. Minsan hindi ko maitatanggi sa sarili ko na naaawa na ako kasi alam kong nahihirapan sila paminsan minsan sa mga sitwasyon na sobra silang napepressure. Sino ba naman ang gustong ma-pressure pagdating sa love? Dapat nga diba masaya ang lovelife kasi yun lang ang time na mararamdaman mo pa lang buhay ka at tumitibok pa pala ang puso mo. Pero bakit ganun? Nahihirapan padin sila sa kabila ng kasiyahang dulot ng pagmamahal? Mismo ako tinatanong ko din yan sa sarili ko, at bilib me, hindi ko rin yan masagot.
Iniisip ko din, hanggang saan kaya tong ginagawa nila? Hanggang kelan kaya sila maghihintay sa sagot niya? May isa kaya sakanila na tatagal o silang dalawa ang mawawala? Oo,
Sila, dahil dalawa silang lalaki at ang bonggang long hair na babae ang pinag-aagawan nila ng bonggang bongga. Diba sobrang nakakainggit? Pero take note, mahirap din ang sitwasyon ng girl! Kailangan niyang pumili sa lalong madaling panahon dahil dalawa ang papa niya at hindi dapat dalawa kundi isa lang ang para sa kanya at yung isa naman ay sa akin na. Ha ha ha echosera ako! Pero seryoso na to, ang hirap talaga nuh? Lalo na pag parehas kanang napamahal sa dalawa at todo bigay pa!
Ang masasabi ko lang, face the reality, may masasaktan at may isang tao na hindi magiging sakanya. Kung hindi siya pipili ngayon, kelan pa? Sana hindi umabot sa puntong wala siyang mapili dahil ayaw niyang may isang masasaktan, kasi pag nagkaganun, wala siyang fafa at pag walang fafa lonely ang buhay mo girl! Wish ko lang sa friend ko na to, sana kahit sobrang mahirap ang challenge mo ngayon, hindi ka nag-iisa, andyan si Bro, family mo, ako, at syempre mga friends mo, todo suporta sa lovelife mo --hmm, family? konti lang siguro. ha ha ha.. eto na naman ako. Kaya mo yan kapatid, kahit Heart Over Mind ka ngayon, suporta parin ako sayo kahit opposite way ako, kasi pessemist ako eh. ha ha ha.. Ay sha, go make up your HEART na hindi mind. Ha ha ha..
Sa mga inlabs jan, go lang ng go, patagalan kayo..
Sa mga single, heeyy! kaway kaway! Haha
sa mga married, best wishes..
at sa mga komplikadong relasyon, well, hold on and stay strong. :)
Truly yours,
adikgurl ♥
0 na-adik
posted @ 11:44 AM