Thursday, December 24, 2009
Merry Christmas!
Warm greetings from your dear blogger, Adikgurl.
Merry Christmas to everybody around the world! Wow! Isang taon na naman ang dumaan at sobrang dami ng nangyari sa buhay ko both good and bad. Ang ganda talaga ng buhay, sobrang makulay, lalo na pag pasko! Tapos na kaming mag-balot ng mga regalo kagabi ng aking inay. Nakikita ko talaga sa mukha niya na masaya siya sa pagbabalot ng mga regalo niya sa amin at sa mga reregalohan pa niya sa 25.
Pangatlong pasko ko na to na wala ako sa Pinas. Malayong malayo kasi ako sa Pinas kaya hindi ako dun nagpapasko. Sobrang inggit nga ako sa kaibigan ko dahil andun siya sa Pinas nagpapakasaya sa buhay, habang ako andito, sa malamig na lugar, hindi ko man lang nararamdaman na pasko na pala in a few hours. Kahit Christmas Eve na dito, parang ordinaryong araw parin para sa akin. Hayss.. ganun nga talaga siguro ang buhay dito sa ibang bansa. Pero ayos lang din dahil magkakasama naman kami ng pamilya ko at may iba pang family friends na sasabay din sa aming salo-salo sa pasko mamaya. Kaya masaya parin! sanaa..
Ay sha! kailangan ko ng maghanda..Excited na akong magbukas ng mga regalo ko mamaya kung may magbigay man. Haha. Iba talaga ang kasiyahang dala ng pasko sa buhay ng tao. :)
Merry Christmas and Happy 2010 Everybody! :)
Adikgurl. ♥
0 na-adik
posted @ 4:32 PM