Saturday, December 26, 2009
Watta Christmas! (2009)
Una sa lahat, gusto ko kayong bati-in ulit ng Maligayang Pasko! Kamusta pasko natin ? Naku sana sobrang saya ng pasko niyo at sana magkakasama sama din kayo ng mga mahal niyo sa buhay. :)
Kamusta nga ba ang pasko ko? Ayun, sobraaang saayaa lang naman!
*grin* Sobrang saya ng pasko ko ngayong taon na to kahit medyo malungkot ng konti dahil sobrang layo ko sa isang pamilya ko pa na nasa Pilipinas. Di bale, alam ko namang masaya sila dun na nagcecelebrate kahit di kumpleto ang pamilya at tumawag naman sila dito. Masaya na akong marinig yung mga boses nila na masaya din, lalo na yung kwento nila sa mga nangyari sa araw ng pasko -mga namamasko na mga bata, simbang gabi, at siyempre kainan time!
Noong alas dose sakto ng hating gabi, Dec. 25, 2009 dito sa Canada, nagsimula na ang araw ng pasko. Kasabay ko sa pagdiriwang ng pasko ang nakababata kong kapatid na babae, mga magulang ko at dalawa kong aunties na family friend namin. Kahit konti lang kaming magkasama dito sa bahay namin, masaya padin ang pasko lalo na nung nagbubukas na kami ng mga regalo namin at yung kumain kami sabay-sabay sa Noche Buena.
Habang nagbubukas kami ng regalo, ayun di mawawala ang picture2x, tawanan at pasasalamat sa taong nagbigay ng regalo. Masasabi kong lahat ng natanggap ko ay isa sa mga hiling ko na regalo para sa pasko. Hindi ko inaasahan na bibigyan ako ng ganun kagandang regalo galing sa magulang ko, sa kapatid at sa dalawa kong aunties. Nakatanggap ako ng mga damit (di talaga nawawala yan), make-up (dahil babae po ako, haha), head bands, external hard drive na 1 tera-bite (uu, ganun kalaki ang memory niya dahil adik ako sa comp), oil painting kit (dahil mahilig akong gumuhit at magpinta), necklaces at hikaw (dahil kikay ako) at syempre pera (dahil pulubi ako ngayong taon na to). Hindi naman siya masyadong marami pero bongga naman ang mga nakuha ko. Kahit hindi "white christmas" ngayong 2009 dahil walang snow (nung birthday ko lang nag snow, amps!) , masaya parin dahil magkasama-sama ang pamilya.
Sana ganito na lang lagi ang pasko, kahit hindi white christmas, kahit walang paputok basta magkasama-sama ang pamilya, isang magandang blessing na yun galing kay Bro at syempre swerte sa bagong taon. Pero gusto ka talagang gawin para sa susunod na pasko, sana sa Pinas na lang idiwang kasi masaya dun, mararamdaman ko talaga ang spirit of christmas dahil lively ang pasko dun at punong-puno ng mga tao. Ang saya-saya, nuh?
Sana kasing saya at kasing makulay ang pasko niyo tulad ng sakin, at sana marami din kayong natanggap na regalo at napasayang mga tao dahil sa regalo niyo. Sana sa bagong taon, mas marami pa tayong matatanggap galing kay Bro, at sa mga adik jan, katulad ko,
pagpatuloy lang ang nasimulan! Haha, joke lang. :)
Merry Christmas once again and Happy New Year! :)
Yours truly,
ad1gurl ♥
0 na-adik
posted @ 7:40 PM