Thursday, January 28, 2010
Excuse me, Che!
Muli kong nakausap si
kras kanina sa telepono. Walang ni-isang salita ang pumasok sa isip ko kundi, "hello" lang talaga. Tamaan man ako ng kidlat, pero yun lang talaga. Kung naaalala niyo dati sa mga iba kong entries na tungkol sa kanya, ang emo2 ko, daming ka okrayan at kung ano pa. Pero nung nakausap ko na pala ulit, "hello" lang pala masasabi ko? Namaan! Well, well, hindi naman ako nanghinayang, nainis pwede pa. Ikaw ba naman kasi hindi pansinin ng matagal diba, hindi magparamdam ng konti, kahit "hello" lang din, wala! E talagang mababadtrip ka ng bongga. Pero, enhale, exhale, keri ko naman ang nangyari. Malinaw na sa akin ngayon na hindi naman pala ako isang malaking kawalan sa kanya. Jusko naman, pina-isip pa niya ako ng matagal, bago ko maramdaman yun? Kahit hindi pa niya sabihin sa akin na "wala lang" ako sakanya, ok lang, tono pa lang ng boses niya, alam ko na. Yehes naman, sabi ko sa inyo eh, masusolusyonan ko din tong problema kong to, ganyanan lang pala eh, walang pakiramdaman, edi bibigay ko sayo. Pasensyahan na lang tol, nagsawa na ako sayo, ni-hindi nga kita na-miss eh,
ASA! Di lang naman ikaw ang natatanging nilalang sa mundong to na pwede kong buhusan ng kabaliwan ko nuh,
excuse me! Che!
*sa wakas, tinkyu Lord!*
truly yours,
adikgurl ♥
0 na-adik
posted @ 7:51 PM