Tuesday, January 5, 2010
Na-adik ulet
Bakit nga ba lagi sa huli ang realisasyon? Bakit hindi natin agad ito napapansin bago may mangyari na hindi kanais-nais? Ganito na lang ba habang buhay, o may pwede ba akong gawin para pigilan mangyari ang hindi dapat mangyari? Yan ang mga tanong ko sa sarili ko na hindi ko talaga masagot sagot hanggang ngayon.
Ang hirap talaga baguhin ang mga nakasanayan ko ng gawin sa buhay, kumbaga nakaugalian ko ng gawin kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na ulit-ulitin ito. Sa tingin ko naman, nagbabago talaga ako, sinusubukan ko ng kontrolin ang sarili ko para habang maaga pa mapigilan ko na. Ang hirap pala ng walang limitasyon sa sarili kasi pag naisip mo na sa huli na mali ka pala, parang ang hirap ng bumangon sa pagkadapa mo. Ganyan ang naranasan ko nung mga oras sa buhay ko na nararamdaman kong wala na akong pag-asa.
My isang tao na nagpadala sa akin ng liham sa fezbuk akawnt ko noong isang araw. Hindi ko talaga inasahan na magpapadala ulit siya ng liham at sa akin pa talaga. Gulat na gulat ako to the mountain top kasi sobrang habaaaa talaga nung sulat. Hindi ko na talaga nagawang bilangin kung ilang talataan (paragraph) ang sinulat niya dun basta nawindang ako, yun na! Yung sulat, tungkol ito sa kaisa-isa niyang anak na hindi na niya alam kung ano ang gagawin dahil sa pagkasabi niya dun, "sakit sa ulo" na daw. Sinasabi nung nanay na, nahihirapan na daw siya, minsan tinatanong niya sa sarili niya kung anong nagawa niyang mali para maranasan niya to sa anak pa niya. Habang binabasa ko ang sulat niya, na-realize ko na totoo pala lahat ng sinasabi ng magulang ko sa akin simula pa noong una. Hindi ko talaga inakala na, aabutin pa ako ng ilang taon bago ko maintindihan lahat ng pinapayo nila para sa akin, at ang masaklap pa nito, sa ibang tao ko pa nakuha ang aral na napulot ko. Diba ang laki kong tanga! Ang sarap i-untog ang sarili sa pander ng sampong beses! ampfs!
Pero ewan ko ba, siguro isa rin ako sa mga taong matigas ang ulo kaya ganon na lang siguro ang mga nangyayari sa buhay ko noon, puro kapalpakan at walang kasiguraduhan. At laking himala, nakayanan ko lahat ng yun! Kaya nga masasabi kong masaklap talaga ang mga nangyari sa akin sa nakaraan. Gugustuhin ko mang mawala lahat ng ala-ala ko sa nakaraan ko, hindi ko kayang gawin. Pwede ko sigurong isantabi hanggang sa mawala pero habang buhay na siyang nakakulong dun. Gusto ko na lang alalahanin yung mga oras na masaya ako, naglalaro ng walang tigil sa kalye, nanalo sa kontest o di kaya yung mga oras na buo ang pamilya ko, ok na sa akin yun. Buti na lang laging nandyan yung "ikalawang pagkakataon" para itama ko yung mga pagkakamali ko sa buhay. At sa muling pagbigay sa akin ni Bro ng ikalawang pagkakataon, this time, hindi ko na sasayangin to. Kaya laking pasasalamat ko sa taong nagpadala sa akin ng sulat na yun sa facebook. Di ko man naisakatuparan lahat ng sinasabi ng magulang ko sa akin noon, kaya kong magsikap at magpocus sa buhay para lang maabot ko yung gusto kong maabot at para hindi na rin ako maging "pabigat at sakit ng ulo" nila. Yun na!
"madrama ako.. yun na!"
Truly yours,
adikgurl ♥
0 na-adik
posted @ 2:04 PM