Thursday, January 14, 2010
nahihirapan na ako
Diba inamin ko na sayo na gusto kita? Diba iniwan ka na ng pinakamamahal mo, ang sarap sabihin sayo,
"yan ang napala mo!" pero hindi ko kayang isumbat sayo yan kasi wala akong karapatan. Tawagin mo na akong tanga, kasi hanggang ngayon sunod parin ako ng sunod sayo na parang tuta, nagbabakasakaling pansinin ng amo niya. Wala kang magagawa kung ganito ako, minamahal lang naman kita eh, ano bang masama dun? Saka alam ko naman na hanggang ngayon mahal mo parin siya. Hinahangad ko lang talaga na sana isang araw buksan mo mga mata mo pati puso mo, makikita mo ako, nakangiti sayo, sasabihing,
"wag ka mag-alala, andito naman ako oh, nagmamahal sayo, bigyan mo lang ako ng chance ipaparamdam ko..".
Pero ang sarap din sapukin nitong sarili ko eh, ako na nga tong nagpapakatanga, nahihirapan sa ganito, sige pa rin ng sige, ano bang meron sayo?! Sagutin mo ako!
0 na-adik
posted @ 6:06 PM