Wednesday, January 20, 2010
Napahiya ako shyetts!
Pagkatapos kong bumisita sa blogsite ni xG kinuha ko ang aking DIKSYUNARYONG INGLES-PILIPINO kasi may gusto lang akong klaruhin. Gusto kong buksan ang pahina kung saan makikita ko ang lahat ng salita para sa letrang K. Pasensya na ha kung iisipin niyo laki kong ewan pag nalaman niyo ang susunod kong ginawa.
Hinahanap ko talaga ang letrang K pero yehess naman hindi ko talaga mahanap! Nagtaka pa ako sa lagay na yun ah. Napansin ko wala ding letter Z sa diksyunaryo, kasi obyuslee wala naman talagang salitang Z sa diksyunaryong Pilipino, pero meron sa mga badetts. Hinanap ko talaga ng hinanap hanggang sa nahanap ko na ang letrang K. Yun pala, kasunod lang siya ng letrang B. Langya talaga! Napaisip tuloy ako, yung totoo, napeke ba ako ng National Book Store nito? Sa isipan ko, sinisi ko pa ang NBS. Lumipas ang ilang segundo, may bigla akong naisip, yun pala, wala ding letrang C sa Pilipino kasi halerr di naman tayo mga puti. Sarap alugin ng ulo ko eh nuh! Pasensya na , dala lang ito ng sanay sa kakagamit ng ENGLISH DICTIONARY. Yehess naman! Napahiya talaga ako ng bongga dun ah, pero buti na lang, ako lang mag-isa sa bahay. Amps.
0 na-adik
posted @ 3:36 PM