Saturday, January 23, 2010
Pagpapahalaga
Kahapon, ika-22 ng Enero, 2010, nag-skype kami ng aking bespren na nasa Pinas na si Kimst. Matagal na kaming magkakilala nitong aking bespren. Halos limang taon na kaming mag-bespren pero wala akong matandaan ni isang away o tampuhan man lang na nangyari sa amin. Syempre, maliban sakanya, may iba pa akong besprens. Marami akong besprens at silang lahat pinapahalagahan ko at tinitreasure ko talaga ng bongga ang samahan namin. Para sa akin, nasusubukan ang isang tibay ng samahan sa taon ng pagkakilala niyo sa isa't isa, yung closeness na binuo niyo sa simula pa, at kahit saan pa man kayo nakatira sa mundong to, maghahanap at maghahanap parin kayo ng paraan para hindi mawalan ng komunikasyon ang isat isa. Ganyan kami ng bespren kong si Kimst. Sa tuwing nakikita ko siya sa webcam o iniisip ko ang moments namin, napapangiti ako at natutuwa dahil laking pasasalamat ko na dumating siya sa buhay ko. Nanganak na lang siya lahat-lahat wala padin nag-iba sa samahan namin. NEVER kong hinusgahan ang pagkatao niya, o ang pamilya niya o kung sino man ang konektado sakaniya dahil tanggap ko siya ng buo. Totoo siyang kaibigan sa akin at totoo din ako sakanya. Nakikita ko sa mga mata niya masaya din siya na ako ang naging kaibigan niya all these years, sandalan niya sa lahat ng dagok sa buhay at tinuring niya na ring isang kapatid.
Habang nanunuod ako ng PBB Double Up, sinubaybayan ko talaga ang edition na ito simula pa nung Oct. 4, 2009 nang muling nagbukas ito at hanggang ngayon. At sa weekly task nga nila ngayong linggong ito, may natutunan ako na aral, at eto yun:
Kahit ano pang premyo o kapalit ang ibigay sayo ng mas nakakataas, kung ang kapalit naman nito ay ang pagkawala ng pagkakaibigan niyo, mas pipiliin ko na lang ang pagkakaibigan kesa sa premyo. Kasi ang premyo parang bula lang yan, puputok at mawawala pero ang kaibigan at samahan na nabuo na pag nasira yan, mahirap ng buoin ulit. Pangalawa, kung ano yung pinapaniwalaan mo, panindigan mo yan kahit ano pang mangyari, pero isipin din ang kapalit na consequence dito. Hindi sa lahat ng oras tama ang paninindigan. Sabi nga nila, "sundin ang sinasabi ng iyong puso", pero para sa akin, walang tama o mali. Kung ano ang sundin mo yun ang dapat mong gawin, wag din pabago bago ng isip, maguguluhan ka lang, maniwala ka. At pangatlo, sa dalawang natutunan ko, isa lang ang masasabi ko jan. Parehong importante ang premyo at pagkakaibigan, nasa sa atin lang ang desisyon kung ano talaga ang mas matimbang. Pero kung kaya naman nating ibalanse ang dalawa, edi mas maganda, hindi ka nawalan, sulit pa ang pagod at pagsasakripisyo mo, wala pang nasirang pagkakaibigan at samahan.
Kaya ako, nai-konek ko ang natutunan ko sa PBB at sa bespren kong si Kimst, dahil kahit anong layo pa naman sa isa't - isa, hindi parin kami bumigay sa lahat ng hadlang sa buhay. Pinanindigan parin namin kung anong mas importante sa amin. Kahit sobrang busy pa siya sa pagpapalaki ng anak niya, hindi pa rin siya nakakalimot sa akin at ako din ganun dahil marunong kaming magpahalaga at magbalanse sa premyo at samahan. Sana, ganun din kayo mga tol. :)
truly yours,
adikgurl ♥
1 na-adik
posted @ 1:26 PM