Sunday, March 7, 2010
Romeo.
Habang nag-checheck ako ng mga posts sa tumblr, nadaanan ko ang isang post, at yan nga ay yong picture sa itaas. Noong nakaraang dalawang araw kasi, mejo emo ako, ewan ko ba kung bakit... hhmm siguro dahil ako'y isang SINGLE! Tama, ako ay single. Ewan ko ba, hindi naman ako nagpapa-apekto sa mga may syota at nagmamahalan sa paligid ko, pero kamakailan lang ganun ang naramdaman ko. Nakakabadtrip, nakakainis, nakaka... kailangan ko na ng
boipren. Ayoko pa. Hindi pa nga talaga ako ready. Panghahawakan ko na lang ang mga nakasulat sa typography na yan, kasi totoo naman. Maghahanapan na lang kami nung isang taong yun, kung nasan man siya sa mundo. Pagka-tapos na kaming umikot ng 360 degrees sa buong mundo, magiging masaya na kami dalawa. Hindi na rin ako ma-oOP sa mga usapan ng mga tao tungkol sa mga syota nila, may pang chorba na rin ako, may ipagmamalaki na ako. :)
*Romeo, where are you?*
Truly Yours,
adikgurl♥
0 na-adik
posted @ 7:30 PM